Ina ayaw sa taga-showbiz: Di ko kaya yung jowa ko may kahalikan

Ina ayaw sa taga-showbiz: Hindi ko kaya jowa ko may kahalikan sa screen

Ervin Santiago - July 04, 2024 - 07:25 AM

Ina ayaw sa taga-showbiz: Hindi ko kaya jowa ko may kahalikan sa screen

Ina Raymundo at Brian Poturnak

HINDI in-expect ng hot mama na si Ina Raymundo na mapo-fall at mai-in love siya sa kanyang non-showbiz husband na si Brian Poturnak.

Pero talagang mas gusto niya raw noon pa na magkaroon ng dyowa na hindi taga-showbiz para magkaiba naman ang mundong ginagalawan nila.

“Kasi kapag non-showbiz mayroon kayong ibang pag-uusapan hindi lang about taping, about shooting, anong gagamitin mong skincare.

“Gusto ko talaga may kausap ako na nakaka-stimulate. I’ve always been attracted to smart men,” ang rebelasyon ni Ina sa interview ni Karen Davila para sa kanyang YouTube channel.

Baka Bet Mo: Ina Raymundo nilayasan si Brian Poturnak sa kanilang first date: ‘Sobrang pinapainom niya ‘ko, kaya natakot ako’

Aminado rin ang seasoned actress na selosa siya kaya hangga’t maaari ay ayaw niyang magkadyowa ng taga-showbiz. Hindi raw niya keri na makitang ipina-partner sa iba ang karelasyon niya.

“Selosa ako, hindi ko kaya na ‘yung jowa ko may kahalikan sa screen,” pag-amin ni Ina.

Naibahagi rin ng celebrity mom sa naturang panayam kung paano sila nagkakilala ni Brian Poturnak. Aniya, 24 years old pa lamang siya noong magkrus ang kanilang landas.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ina Raymundo (@inaraymundo95)


“Unang-una iba ‘yung naging pattern ko with him kasi before if meron akong nagustuhan, I know right away na he’s going to be my boyfriend so nagfi-fizzle agad.

“With him kasi when I met him hindi ko in-expect na magiging boyfriend ko siya, what more maging asawa,” sey ni Ina.

Nagsimula lang daw sila bilang phone pal na tumagal ng isang taon at kasunod nga nito, pumayag na siyang makipag-date.

Baka Bet Mo: Dina kinausap si Lord tungkol sa lovelife: Kung ibibigay Mo, now na!

“After almost one year of talking, he was asking me to go out and I would always cancel at the last minute,” chika ni Ina pero napilit din siya ng isa niyang kaibigan na nagsabing mabuting tao si Brian.

“Mula nu’ng nag-date kami the rest is history, inseparable na kami and in love,” natatawang sey pa ng aktres.

Ikinasal sina Ina at Brian noong December 9, 2022 at biniyayaan ng limang anak.

Nang matanong kung ano sa tingin niya ang dahilan at tinanggap pa rin siya ng mga tao kahit matagal-tagal siyang nawala sa mundo ng showbiz para mas pagtuunan ng pansin ang kanyang pamilya.

“Sa totoo lang, I am just going with the flow. I am not planning anything, you know me I am so laidback. I realized na there are times na nasa taas ka and mas may times na nasa baba ka so tanggap ko ‘yun sa buhay ko,” sabi pa ni Ina na huling napanood sa ABS-CBN primetime series na “Can’t Buy Me Love.”

Dagdag pa niya, “I feel grateful, blessed that this happened to me. Now that I have kids, I appreciate work more, I appreciate acting more.

“Because I feel that I have worked harder this time than before, na parang pinagdaanan ko uli ‘yung pagiging from the bottom,” she said in the magazine interview.

May pakiusap naman siya para sa mga tulad niyang seasoned and senior stars, “I want the producers to know that I am more committed to work. I hope that they will invest in a middle-ager.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“I know loveteam is their favorite thing and I’m happy for those love teams because they really work hard. But I think you should also invest in middle-aged actors. Make a movie for us to showcase our experience and talent,” ani Ina.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending