Pagiging 'hot mama' ni Ina Raymundo hindi tanggap noon ng 2 anak, hirit daw ni Jacob Poturnak: 'I wish you were a normal mom' | Bandera

Pagiging ‘hot mama’ ni Ina Raymundo hindi tanggap noon ng 2 anak, hirit daw ni Jacob Poturnak: ‘I wish you were a normal mom’

Ervin Santiago |April 02,2023
facebook
share this

Pagiging ‘hot mama’ ni Ina Raymundo hindi tanggap noon ng 2 anak, hirit daw ni Jacob Poturnak: ‘I wish you were a normal mom’

Ervin Santiago - April 02, 2023 - 06:51 AM

Pagiging 'hot mama' ni Ina Raymundo hindi tanggap noon ng 2 anak, hirit daw ni Jacob Poturnak: 'I wish you were a normal mom'

Ina Raymundo, Jacob at Erika Poturnak

HINDI kumportable ang mga anak ng aktres na si Ina Raymundo kapag napag-uusapan ang kanyang pagiging sexy actress at kapag tinatawag siyang “hot mama.”

In fairness naman kasi kay Ina, kapag nakita n’yo siya sa personal, hindi mo talaga aakalain na meron na siyang mga binata at dalagang anak dahil sa kanyang batambatang itsura sa kabilang ng kanyang edad.

Isa siya sa mga itinuturing na hottest celebrity mom ngayon sa showbiz dahil bukod sa hindi tumatandang itsura, ay napanatili pa rin niya ang pagiging sexy at fit ng kanyang katawan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ina Raymundo (@inaraymundo95)


Sa episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” last March 29, natanong si Ina kung ano ang reaksyon ng mga anak niyang sina Erika at Jacob Poturnak sa kanyang sexy image.

“What about your children, paano kapag sinasabi sa kanila na, ‘Your mom is so hot?” ang hirit na tanong ni Tito Boy kay Ina.

Baka Bet Mo: Ina Raymundo nilayasan si Brian Poturnak sa kanilang first date: ‘Sobrang pinapainom niya ‘ko, kaya natakot ako’

Sagot ng aktres, “Sa panahon nina Erika at ni Jacob siguro they felt uncomfortable at that time siyempre ‘yung mga age na 13, 14 and 15, medyo may angst sila so hindi nila ma-accept.”

Kuwento pa ni Ina, “I remember Jacob told me one time na, ‘I wish you were a normal mom.’

“But he was at that age na you know angst na may rebellious streak,” dagdag ng aktres.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ina Raymundo (@inaraymundo95)


Sundot na reaksyon ni Tito Boy, “At saka natutukso ng mga kabigan.” Na sinagot naman ni Ina ng, “Probably he felt disturbed about that.”

Nang tanungin ni Tito Boy kung ano ang  naging sagot ni Ina sa sinabi ni Jacob, “Sabi ko, ‘No, I’m not your typical mom.’”

Sa huli, nabanggit din ng aktres na sana raw ay dumating ang araw na lahat ng mga kapwa niya nanay na hindi maging tipikal.

“I wish I could influence those moms to not be typical,” sey pa ni Ina.

Birthday gift ni Paulo Avelino kay Janine Gutierrez: ‘Prayers and good health…’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Lovi Poe positibo ang pagtanggap sa pagpanaw ni Susan Roces: She’s an amazing woman, queen-like talaga!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending