Ina Raymundo naloka sa bastos na youngstar: 'Na-torture ako dahil nagyoyosi siya sa maliit na kwarto, siksikan kami at may mga bata!' | Bandera

Ina Raymundo naloka sa bastos na youngstar: ‘Na-torture ako dahil nagyoyosi siya sa maliit na kwarto, siksikan kami at may mga bata!’

Ervin Santiago |February 28,2023
facebook
share this

Ina Raymundo naloka sa bastos na youngstar: ‘Na-torture ako dahil nagyoyosi siya sa maliit na kwarto, siksikan kami at may mga bata!’

Ervin Santiago - February 28, 2023 - 07:05 AM

Ina Raymundo naloka sa pasaway na youngstar: 'Na-torture ako dahil nagyoyosi siya sa maliit na kwarto, siksikan kami at may mga bata!'

Ina Raymundo

MAY nakatrabaho na rin ang sexy actress at tinaguriang hot mama na si Ina Raymundo na mga pasaway at uma-attitude na youngstar sa shooting o taping.

Kuwento ni Ina, meron talagang mga batang artista na walang pakialam at malasakit sa kanilang mga co-stars pati sa mga production staff.

Nakachikahan ng ilang members ng entertainment press ang aktres sa naganap na mediacon ng pelikulang “Pieta” last Sunday, February  26, at dito nga niya naichika ang tungkol sa pasaway na youngstar.

“Siyempre hindi ko talaga papangalanan! Pero baka ma-realize niya, siya yun! Ha-hahaha!” simulang pahayag ni Ina.

“Basta ano siya, nagyoyosi siya. Nasa isang maliit kami na room na walang bintana, tapos nagyoyosi siya sa loob. May mga bata. As in siksikan kami sa room, nagyoyosi siya sa loob.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ina Raymundo (@inaraymundo95)


“Talagang alam mo yun, nakaka-shock na hindi ba niya alam na nasu-suffocate kami sa yosi niya? Pero walang gustong magsabi sa kanya,” pagbabahagi ng aktres.

Pagpapatuloy ni Ina, “E, may asthma ako, so tumatak talaga sa akin yun dahil na-torture ako dahil nagyoyosi siya sa isang maliit na room, na walang bintana, may mga bata.

“Siguro sa maliit na room na yun, mga walo kami, o 10. Yosi siya, wala siyang pakialam. Yun lang, so medyo nakaka-turn off,” sabi pa niya.

Ayaw pa sanang sabihin ni Ina kung lalaki o babae ang kanyang tinutukoy pero nabuking din siya dahil sa sinabing, “I can’t say, I can’t. Ano na lang, genderless. Pero sana, nagbago na siya. Kasi that’s bad for her health.”

Samantala, wala pa naman daw siyang nae-encounter na pasaway na senior star o yung mga nagpapa-importante sa set.

“Wala. Ako, wala. Lahat sila, mababait. And siyempre siguro, you have to know your place.

“Number one po talaga yung, ‘Ako po si Ina…’ Ikaw talaga yung unang maggi-greet, ikaw yung maggi-give ng respect sa mga seniors. SOP yan, di ba?

“So, wala akong naging problema sa mga seniors. Lahat sila, adorable. Ang sarap nilang makatrabaho, sa totoo lang,” sabi pa ng aktres.

Sundot na tanong sa kanya, “So, sa mga young stars talaga ang may problema?” “Hindi naman. Fortunately, mas maraming mababait. Bibihira lang talaga yung mapapakamot ka na lang ng ulo na, ‘WOW!’ Bihira lang naman.”

Samantala, napanganga at napa-wow si Ina nang malaman kung sinu-sino ang makakatrabaho niya sa pelikulang “Pieta” na ididirek ni Adolf Alix, Jr..

Bida rito ang National Artist at nag-iisang Superstar na si Nora Aunor kasama sin Alfred Vargas, Gina Alajar, Jaclyn Jose at Bembol Roco. Ka-join din dito sina Angeli Bayani at Tommy Alejandrino.

“Nu’ng kinuha ko itong project na ito, ang alam ko nga, ang kasama ko dito is Nora Aunor saka si Alfred.

“Hindi ko alam na nandito rin pala si Direk Gina Alajar, si Jaclyn Jose…oh my gosh! Wish ko lang, kaeksena ko sila. Kasi ang role ko dito, maliit lang pero very important yung role ko. Kasama ako sa past ni Isaac, ni Alfred,” ani Ina.

“Kaya sobrang wow! Tapos si Sir Bembol Roco, kaya ngayon ko lang nalaman talaga yung complete na cast. Talagang mapapanganga ka lang na wow! Wow!

“Tapos si Direk Adolf pa, isa sa paborito kong direktor. Alam mo yan, Direk Adolf. Kasi si Direk, hindi ako nakakalimutan niyan.

“Lagi niya akong isinasama pag makakaya niya sa project niya. So exciting, very exciting. Kaya I’m thankful na nakasama ako sa movie na ito,” pahayag pa ni Ina Raymundo.

Pasaway na aktres tatanggalin na sa sitcom: Grabe! Sakit lang siya sa ulo!

Ate Guy natakot nang talakan ni Gina Alajar ang kaeksenang youngstar: ‘Late ka na nga, hindi mo pa makuha ang eksena mo!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Awra nagpa-house tour sa bonggang bahay: Dito namin sasalubungin ang Pasko at New Year!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending