Ina Raymundo nilayasan si Brian Poturnak sa kanilang first date: 'Sobrang pinapainom niya 'ko, kaya natakot ako' | Bandera

Ina Raymundo nilayasan si Brian Poturnak sa kanilang first date: ‘Sobrang pinapainom niya ‘ko, kaya natakot ako’

Ervin Santiago |February 05,2023
facebook
share this

Ina Raymundo nilayasan si Brian Poturnak sa kanilang first date: ‘Sobrang pinapainom niya ‘ko, kaya natakot ako’

Ervin Santiago - February 05, 2023 - 08:09 AM

Ina Raymundo nilayasan si Brian Poturnak sa kanilang first date: 'Sobrang pinapainom niya 'ko, kaya natakot ako'

Ina Raymundo at Brian Poturnak

“DALAGANG Filipina yarn!” Ganyan namin ilalarawan si Ina Raymundo dahil sa ginawa niyang pagpapahirap sa asawang si Brian Poturnak noong nanliligaw pa lamang ito sa kanya.

Talagang nagpa-hard to get daw ang aktres para subukin ang katapatan nito at kung hanggang  saan at hanggang kailan tatagal para mapatunayang totoong mahal siya nito.

Knows n’yo ba na noong first date nila ni Brian ay nilayasan pa niya ito pero sino nga ang mag-aakala na sa tila wrong timing na insidenteng yun ay 20 years na sila ngayong nagsasama bilang mag-asawa.

“June noong 1999, mayroon kaming party na pinuntahan, and sobrang pinapainom niya (Brian) ako noong time na ‘yon.

“Although I’m sure hindi niya naman intention na lasingin ako, pero I don’t know ha, parang feeling ko lang, well,” kuwento ni Ina sa panayam ng “Surprise Guest with Pia Arcangel.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ina Raymundo (@inaraymundo95)


Bigla na lamang daw siyang umalis sa party nang makaramdam siya ng pagkalasing, “Pag-alis niya, bigla kong na-feel na, ‘Oh no I don’t feel safe, I have to go.’

“Nagkaroon ako agad ng tama doon sa iniinom ko. Umalis talaga ako, hindi ako nagpaalam sa kanya. Nag-French exit ako, pagbalik niya wala na ako,” pag-alala ng aktres.

Aniya pa, “Ganoon ako sa kanya, as in first time kong ginawa ‘yun sa kasama ko na iniwan ko na basta because I got scared na parang feeling ko, I wasn’t in control.”

Chika pa ni Ina, “Dapat ganu’n tayong mga babae. When you feel na you’re not in control of the situation, you have to leave right away regardless of who the person is with you.”

Pero sa halip na umatras at panghinaan ng loob, mas nagtiyaga pa raw si Brian sa panliligaw sa kanya at sinabing gusto raw talaga siyang kilalanin nito nang lubusan.

“Noong time na ‘yun future husband ko pala, pero umalis talaga ako. Pero at least nagtiyaga siya, mas nagpursigi siya sa akin.

“And inamin niya na, let’s say nag-meet kami noong June 99 tapos ‘yung parang bumigay ka agad or something. Parang hindi natin masabi kung ano ang magiging ending nu’n ‘di ba?” lahad ng aktres.

“But since I gave him a hard time, naging dalagang Pilipina tayo, mas nag-work. Mas nakita niya talaga na itong girl na ito, pang mas seryosohan,” dugtong ni Ina.

“Almost one year siya na nanliligaw sa akin, nagpaparamdam, pero hindi pa ako ready noong time na ‘yun. Naging kami talaga, June 2000, a year after we met.

“Lagi siyang tumatawag sa akin, he would always call me and ako naman ine-entertain ko siya kasi gusto ko mahasa ‘yung English ko ‘di ba, ‘yun talaga ‘yung reason,” ang tawa nang tawang chika ni Ina.

“Hanggang sa we’ve been talking for months and months, so sabi niya ‘We should go out, we should go out.’

“So eventually pumayag ako mag-date kami nu’n na June na after a year.

“So since nu’ng first date namin naging inseparable na kami, na-realize namin na, wow, we click, we get along and there is chemistry, there is kilig, so ‘yun nagtuloy-tuloy na mula nu’n,” pagbabahagi pa ni Ina.

Isa raw sa mga endearing qualities ni Brian na super nagustuhan niya ay ang, “Humor. We have a humor na kami lang talaga ‘yung nakaka-get na we can talk about something else na puro kalokohan, so we get along that way.

“Siguro if you have chemistry with someone it doesn’t matter kung exact opposite mo pa siya.

“And I really like smart men, I really do. I like witty, smart men, na kapag kausap mo marami kang matututunan, walang dull moments.

“Nasa kanya lahat ‘yung hinahanap ko na category sa isang guy. Kaya nu’ng nag-date kami physically, nagtuluy-tuloy na kami kasi na-realize ko he is the one,” pahayag pa ng sext actress.

Joshua Garcia hinangaan bilang Dark Brian sa ‘Darna’, pero ilang netizens hindi sang-ayon…bakit kaya?

Ina Raymundo naging ‘instant nurse’ nang magka-COVID-19 ang pamilya, nag-share ng first-aid tips

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pokwang inaming may bagong ‘nilalandi’ si Lee O’ Brian: Hindi man lang nilunok ang pride

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending