Joshua Garcia hinangaan bilang Dark Brian sa 'Darna', pero ilang netizens hindi sang-ayon...bakit kaya? | Bandera

Joshua Garcia hinangaan bilang Dark Brian sa ‘Darna’, pero ilang netizens hindi sang-ayon…bakit kaya?

Therese Arceo |November 01,2022
facebook
share this

Joshua Garcia hinangaan bilang Dark Brian sa ‘Darna’, pero ilang netizens hindi sang-ayon…bakit kaya?

Therese Arceo - November 01, 2022 - 04:42 PM

Joshua Garcia hinangaan bilang Dark Brian sa 'Darna', pero ilang netizens hindi sang-ayon...bakit kaya?
PURING-PURI ng madlang pipol ang Kapamilya actor na si Joshua Garcia sa kanyang pagganap sa dual role sa Kapamilya hit teleseryeng “Mars Ravelo’s Darna”.

Sa naturang serye ay gumaganap nga bilang si Brian Robles, isang police officer ang aktor at may dual wicked character na si Dark Brian.

Talaga namang napabilib ang mga netizens sa ipinakitang pag-arte ni Joshua bilang ‘Extra’ na mapagpanggap at siyang sumisira sa magandang reputasyon ng totoong Brian.

“He really portrayed dark Brian so well! Nakakabadtrip na ung pagka batugan nya,” comment ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “joshua garcia is arguably one the most versatile actors of his generation. this dark brian is super complex and out of the box character, but he nailed this character effortlessly!”

May isang netizen naman na nagsabi na mahalaga ang papel ng binata bilang Dark Brian dahil maaari raw na ito ang mag-trigger sa karakter ni Janella Salvador bilang Regina Vanguardia sa matinding galit na dahilan para maging mortal na kaaway ni Darna (Jane de Leon) ang kanyang alter-ego na si Valentina.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Joshua Garcia (@garciajoshuae)

“Ang talino ng pagkakasulat nitong Dark Brian plot. Ilalabas further ang galit ni Regina dahil sa feeling of betrayal na pinasakay lang siya, at hindi talaga si Brian na mahal niya yun. Lavet!,” sey ng isa pa.

Samantala, sa kabila ng papuring natatanggap ni Joshua ay hindi naman maiiwasan ang mga netizens na pupuna sa kanyang karakter sa naturang teleserye.

Ito ay may kaugnayan sa trending kissing scene ng aktor kasama si Valentina na talaga namang kumalat at pinag-usapan.

“If yall just try to stop sucking Joshua Garcia’s d*ck baka magkaroon ng sense ‘yung show,” hirit ng isang netizen.

Agad namang pumalag at sumagot ang head ng JRB Productions na si Julie Anne Benitez ang tweet ng netizen.

“Is this kind of language permitted in Twitter? I’m sorry, but Joshua’s character is very integral in our story. Been receiving so many good feedbacks about how his character. If you have anything to say, please say in a respectful manner. God bless you my dear!” saad niya.

Sinagot rin niya ang basher na nagsasabing “flopsina”raw ang “Darna”.

“If Darna is a flop, why are you watching? Anyway, bashers are welcome, dagdag twts and views. Please, magtawag ka pa. God bless you my dear!” sey pa nito.

Sa ngayon ay nasa Japan si Joshua upang magbakasyon kasama ang kanyang mga kaibigang sina Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Ria Atayde, at Zanjoe Marudo.

Related Chika:
Joshua tinawag na ‘Higop King’ dahil sa laplapan nila ni Janella sa ‘Darna’: ‘Unli mukbang yarn?’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

‘Darna’ star Joshua Garcia hinangaan si Janella Salvador bilang Valentina

Pia Wurtzbach pinakalma ang TikTok fans ni Joshua Garcia: ‘Wag na kayong magalit, aware naman ako sa pila!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending