Joshua tinawag na 'Higop King' dahil sa laplapan nila ni Janella sa 'Darna': 'Unli mukbang yarn?' | Bandera

Joshua tinawag na ‘Higop King’ dahil sa laplapan nila ni Janella sa ‘Darna’: ‘Unli mukbang yarn?’

Ervin Santiago |October 26,2022
facebook
share this

Joshua tinawag na ‘Higop King’ dahil sa laplapan nila ni Janella sa ‘Darna’: ‘Unli mukbang yarn?’

Ervin Santiago - October 26, 2022 - 03:06 PM

“HIGOP kung higop!” “Mukbang yarn!” Ganyan inilarawan ng mga netizens ang viral laplapan scene nina Joshua Garcia at Janella Salvador sa Kapamilya action-fantasy series na “Darna.”

Hot topic ang halikan nina Joshua at Janella sa nasabing programa na pinagbibidahan din ni Jane de Leon na siyang gumaganap na Darna.

In fairness, talagang nag-level na nga ang tambalang JoshNella na bigay-todo sa maiinit nilang eksena sa “Darna” na hanggang ngayon ay pinag-uusapan ng mga Marites sa social media.

Napanood ng madlang pipol ang nasabing “mukbang” scene sa  October 24 episode ng “Darna” kung saan kinopya ng karakter ni Extra ang pulis na si Brian Robles (Joshua) bilang si Black Brian.

Sa nasabing eksena, sinibasib ng halik ni Black Brian si Valentina na ginagampana naman ni Janella.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Janella Salvador (@superjanella)


“Sabi mo sa akin hindi ba liligawan mo ako. Hindi puwede sa akin ‘yun. Gusto ko lang sabihin sa iyo na ako na ang gagawa nu’n para sa ‘yo,” ang dialogur ni Brian bago halikan si Valentina.

Ilang sandali lamang ang lumipas matapos umere ang nasabing eksena, kumalat na ang video clip nito kasabay ng mga nakakalokang comments mula sa netizens.

May mga nagsabi na parang “minukbang” ni Joshua si Janella na akala mo’y gutom na gutom. May mga nagbansag naman sa aktor bilang “Higop King”.

Bukod kasi sa nasabing eksena, may sumunod pang pasabog na halikan sina Joshua at Janella sa “Darna” na umere naman nitong nagdaang Martes, October 25.

Comment ng isang netizen, “Unli mukbang na yarn?”

Hirit naman ng isa pang fan ng “Darna”, “Grabe si Koyang, higop kung higop. ”

Kim Molina, Jerald Napoles payag bang mag-frontal nudity sa halagang P5-M?

Pamilya Poe ginunita ang ika-83 kaarawan ni FPJ; Brian Llamanzares inialay ang pagtatapos kay ‘Lolo’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pokwang present sa birthday ni Lee O’Brian, may bwelta sa ‘sayang luha’ comment ng netizen

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending