Ina Raymundo naging ‘instant nurse’ nang magka-COVID-19 ang pamilya, nag-share ng first-aid tips
Ina Raymundo at Brian Poturnak kasama ang mga anak
PARANG isang tunay na nurse ang naging peg ng aktres at celebrity mommy na si Ina Raymundo noong tamaan ng COVID-19 ang buo niyang pamilya.
Noong tumaas muli ang bilang ng mga nagkakasakit dulot ng nakakahawang virus, kabilang si Ina sa mga celebrities na hindi nakaligtas pati na ang kanyang asawa at mga anak.
Pero aniya, mabilis din silang gumaling matapos ang ilang linggong gamutan at pagse-self -quarantine sa kanilang bahay.
Binalikan ng tinaguriang “hot mama” ang naging COVID journey niya at ng kanyang family nang maging guest siya sa “Bawal Judgmental” segment ng “Eat Bulaga” kamakailan.
Dito, nagbahagi rin si Ina ng ilang helpful tips kung sakaling magkasakit ang isang miyembro ng pamilya ngayong may pandemya at kung paano niya inalagaan ang kanyang pamilya habang nakikipaglaban sa virus.
“Lahat kami (nag-positive sa COVID-19), lahat ng anak kong lima pati ‘yung asawa ko. Nagpapasalamat pa rin ako kay God na ako ‘yung huling nagkaroon, so naalagaan ko silang lahat,” simulang kuwento ni Ina.
Maya’t maya rin ang pagmo-monitor niya sa temperature ng kanyang mga anak, “Lahat ‘yan nire-record ko, para akong nurse talaga. Whenever may sakit sila, tinitingnan ko ‘yung pattern ng temperature lahat sila two days lang nagkasakit.”
View this post on Instagram
Nagbigay din ng advice ang sexy actress sa mga kapwa niya parents sakaling biglang magkasipon o ubo ang kanilang mga kapamilya o mga kasama sa bahay.
“Alam mo napakaimportante talaga and very effective kahit wala pang pandemic ito na ‘yung ginagawa ko tuwing may sakit ako.
“Mask wearer talaga ako even before the pandemic so, oras na may sipon ako ‘yung hindi ako makahinga sa ilong, magsusuot ako ng mask para after 10 minutes nag-humidify yung ilong mismo dahil sa breath ko, nawawala yung barado sa ilong ko.
“Kapag barado kasi ‘yung ilong mo umaabot ‘yun sa throat because you can’t breathe and then uubuhin ka na dahil dry na dry yung throat mo,” paliwanag pa ni Ina.
Dapat din aniyang maging ready anytime ang mga magulang kapag nagkasakit ang mga anak, “Siyempre, bilang ina, kailangan maging handa ka, kailangan nagbabasa ka kung ano ‘yung mga first aid na magagawa mo.
“Number one din, huwag kayong magpa-panic kapag mataas ang lagnat ng anak niyo. Tiyagain mo lang sa gamot every four to six hours and gagaling din talaga ang mga bata, resilient sila,” aniya pa.
https://bandera.inquirer.net/304467/ina-raymundo-may-poser-sa-fb-this-impostor-is-selling-items-under-my-freaking-name
https://bandera.inquirer.net/302623/ina-raymundo-asawa-5-anak-tinamaan-din-ng-covid-please-keep-calm-god-is-still-in-control
https://bandera.inquirer.net/284817/robin-sariling-sikap-sa-pagsa-swab-test-hindi-na-nahintay-ang-nurse
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.