Pokwang inaming may bagong 'nilalandi' si Lee O' Brian: Hindi man lang nilunok ang pride | Bandera

Pokwang inaming may bagong ‘nilalandi’ si Lee O’ Brian: Hindi man lang nilunok ang pride

Therese Arceo |January 21,2023
facebook
share this

Pokwang inaming may bagong ‘nilalandi’ si Lee O’ Brian: Hindi man lang nilunok ang pride

Therese Arceo - January 21, 2023 - 08:56 PM

Pokwang inaming may bagong 'nilalandi' si Lee O' Brian: Hindi man lang nilunok ang pride

MUKHANG sunod-sunod ang pasabog ng Kapuso comedienne na si Pokwang patungkol sa ex-partner niyang si Lee O’ Brian.

Sa isang Instagram post niya nitong Martes, January 17, nagbigay babala ang komedyana patungkol sa dating pangalan ng negosyo nila ni Lee na Poklee Food Products.

Active pa rin kasi ang Facebook page at may mga tao pa ring patuloy na umo-order kaya naman ang ending ay maraming mga customer ang nagrereklamo kay Pokwang dahil na-scam raw sila.

“PAALALA, One year na wala ang Poklee Food products sarado na po ito at wag na po kayo mag message or umorder ng aming produkto sa messenger, sa shoppee at Lazada dahil ibang brand po idedeliver sa inyo PLEASE!

“magbasa kayo tapos magagalit kayo kapag na scam kayo! matagal na wala yan po. @mamangpokwangs_gourmet na ang aming produkto yan po ang legit now sa FB at IG po maraming salamat po,” saad ni Pokwang.

Makikita naman na pabirong nag-comment ang isa sa kanyang TiktoClock co-host na si Kuya Kim Atienza.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marietta Subong (@itspokwang27)

Komento ni Kim, “Pa order nga ng #poklee mamang?”

Sagot naman ni Pokwang, “@kuyakim_atienza wala na po hahhahahaaahaa may nilalandi na sya hahahhahhahahaa hindi nag effort na lunukin ang pride chicken para kay tisay!!! [laughing emojis]”

Comment pa niya sa isang netizen, hindi naman daw siya nagseselos sa “bago” ng ex-partner bagkus natatawa at natsi-cheap-an siya.

November 2021 pa nang nagdesisyong maghiwalay sina Pokwang at Lee ngunit July 2022 lang lumabas ang balita patungkol rito matapos mapansin ng mga netizens na nagpalit na ng packaging ang komedyana ng kanilang negosyo kung saan wala na si Lee.

Sa kabila naman ng kanilang paghihiwalay noon ay nananatiling maayos ang co-parenting set up nila pea sa anak na si Malia.

Related Chika:
Pokwang hinabol ng ‘samurai’ ang asawa dahil sa selos: Iyak siya nang iyak!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pokwang present sa birthday ni Lee O’Brian, may bwelta sa ‘sayang luha’ comment ng netizen

Pakiusap ni Pokwang sa haters: Sana maunawaan n’yo, nanay din po ako at maraming umaasa sa akin

Pokwang sinagot ang netizen na umaasang magkakabalikan pa sila ni Lee O’Brian at magpapakasal: ‘Ngek!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending