Birthday gift ni Paulo Avelino kay Janine Gutierrez: 'Prayers and good health...' | Bandera

Birthday gift ni Paulo Avelino kay Janine Gutierrez: ‘Prayers and good health…’

Ervin Santiago |October 06,2022
facebook
share this

Birthday gift ni Paulo Avelino kay Janine Gutierrez: ‘Prayers and good health…’

Ervin Santiago - October 06, 2022 - 08:13 AM

Birthday gift ni Paulo kay Janine: 'Prayers and good health...'

Janine Gutierrez at Paulo Avelino

NAKORNER ng ilang members ng entertainment press ang Kapamilya actor na si Paulo Avelino pagkatapos ng “Killer Finale” mediacon ng “Flower Of Evil.”

Kaya hindi talaga siya nakaligtas sa mga tanong tungkol sa estado ng relasyon nila ng kanyang rumored girlfriend na si Janine Gutierrez.

Wala kasing naglakas-loob na magtanong sa presscon proper about Janine kaya naman mabilis na nilapitan ng mga reporter ang binata para humingi ng update about him and Janine.

Ayon kay Paulo, “going out” pa rin ang status nila ng Kapamilya actress, ito’y sa kabila nga ng chika na matagal na silang magkarelasyon pero ayaw lamang nila itong gawing public.

“Okay naman. Nag-uusap. Lumalabas pa rin,” ang maikli at tipid na tipid na pahayag ni Paulo na markadung-markado na naman ang pagiging kontrabida sa “Flower Of Evil.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Paulo Avelino (@pauavelino)


Nang matanong kung ano ang regalo niya kay Janine nang magdiwang ang dalaga ng kanyang 33rd birthday last October 2, “Prayers and good health (sabay ngiti).”

Sey ng binata, hindi pa raw kasi nagpapa-party si Janine, “Hindi pa siya nagse-celebrate nang buo so makikita natin kapag may party na.”

Ang wish naman niya sa dalaga, mas marami pang blessings at trabaho ang dumating sa kanyang career at personal life.

“Even busier and better career this latter end of 2022 and 2023,” sey pa ni Pau.

* * *

Itataya na nina Daniel (Piolo Pascual) at Iris (Lovi Poe) ang lahat para mabuko ang mga karumal-dumal na krimen ni Jacob (Paulo Avelino) at para mabuo lang ang kanilang pamilya sa umaatikabong kaganapan sa huling dalawang episode ng “Flower of Evil.”

Malapit nang mapatunayan nina Daniel at Iris na inosente nga si Daniel at hindi siya kriminal dahil si Jacob ang totoong kasabwat ni Abel (Gardo Versoza), ang tatay ni Daniel na kilalang serial killer.

Ngunit delikado ngayon ang lagay ni Daniel dahil desidido siyang patayin si Jacob. Tila sinaniban kasi si Daniel dahil naniniwala siyang pinatay na ni Jacob si Iris at nalaman na rin niyang si Jacob ang pumaslang kay Abel at sumaksak din kay Grace (Denise Laurel), ang kapatid ni Daniel na nag-aagaw buhay na ngayon.

Kailangan ngayong matagpuan ni Iris si Daniel bago mapatay nito si Jacob at para kumbinsihin si Daniel na hindi siya mamamatay-tao. Mas magiging komplikado pa ang sitwasyon dahil parehong mag-aagaw buhay sina Daniel at Jacob matapos ang kanilang madugong pagtatagpo.

Sino kina Daniel at Jacob ang matitirang buhay? Mapapatunayan pa kaya ni Iris na inosente si Daniel?

Tutukan ang killer finale ng “Flower of Evil” sa Viu, iWantTFC, at IPTV (USA and Canada only) ngayong Huwebes (Oktubre 6) at Biyernes (Oktubre 7) ng 8 p.m. at sa Kapamilya Channel, A2Z, at Jeepney TV sa Sabado (Oktubre 8) at Linggo (Oktubre 9) ng 9 p.m..

https://bandera.inquirer.net/319488/paulo-vs-piolo-bardagulang-acting-showdown-sa-flower-of-evil-matinding-labanan-sa-pagka-best-actor

https://bandera.inquirer.net/317389/piolo-lovi-perfect-tanden-sa-flower-of-evil-pilot-episode-ang-lupet-super-intense

https://bandera.inquirer.net/292719/john-balik-its-showtime-na-sa-oktubre-samantha-bernardo-sasalang-sa-sing-galing

https://bandera.inquirer.net/317561/big-deal-para-kay-jc-de-vera-ang-mapasama-sa-cast-ng-flower-of-evil-may-2-pelikula-pa-kasama-sina-janine-at-alex

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending