John balik 'It's Showtime' na sa Oktubre; Samantha Bernardo sasalang sa 'Sing Galing' | Bandera

John balik ‘It’s Showtime’ na sa Oktubre; Samantha Bernardo sasalang sa ‘Sing Galing’

Reggee Bonoan |September 10,2021
facebook
share this

John balik ‘It’s Showtime’ na sa Oktubre; Samantha Bernardo sasalang sa ‘Sing Galing’

Reggee Bonoan - September 10, 2021 - 04:53 PM

MAGKAKATOTOO ang panaginip ni John Prats na mamatay na siya sa longest running series ng Kapamilya network na “FPJ’s Ang Probinsyano”.

Naisulat namin dito sa BANDERA na mamamaalam na ang karakter ni John bilang si PC/Msgt. Jerome Girona Jr ngayong Setyembre dahil kailangan na niyang mag-full time bilang direktor sa It’s Showtime.

Dahil sa Norte ang lock-in taping ng “Ang Probinsyano” at kailangan pa ang karakter ni John lalo’t mapapalaban ang Task Force Aguila sa rami ng darating na kalaban nila tulad ng grupo nina Lorna Tolentino (Lily) at Richard Gutierrez (Lito) na kikitain si Tommy Abuel at ang grupo naman ni Marc Abaya para sa ka-deal niya sa droga.

Napag-alaman namin na tatapusin ni John ang buong Setyembre at sa Oktubre na siya papasok sa “It’s Showtime”.

In fairness bumenta ang panaginip ni John na akala rin namin ay namatay na siya at sinabi nga na ‘it’s a prank’. Maraming may ayaw na mawala ang aktor sa Ang Probinsyano bilang isa sa pioneer ng programa ni Coco Martin.

Ang aabangan na lang ay kung paano mamaalam ang karakter ni Jerome Girona Jr.

* * *

Kasama sa Top 30 over all programs ng Pilipinas ang “Sing Galing” na napapanood sa TV5 na nasa top 19 base sa survey ng Nielsen Philippines.

At sa Setyembre 18 ay kaabang-abang ang mga celebrity contestants na sasali sa “Sing Galing: Sing-lebrity Edition” contestants ng karaoke show tulad ni 1st Runner Up Miss Grand International, Samantha Bernardo.

Ang pagsali kaya ni Samantha sa “Sing Galing” ang magbubukas ng bagong career sa buhay niya?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kamakailan ay ibinahagi niya sa kanyang Instagram followers na wala na muna siyang balak sumali sa mga pageantry, tuluyan na kayang i-pursue ni Samantha ang singing career niya?

Abangan natin sa special episode ng Sing Galing dahil makakasama din niya sina Madam Inutz, Kris Bernal, Pooh, MC Muah, at Alex Medina.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending