Ina Raymundo nag-react sa rebelasyon ni Andrea Brillantes

Ina Raymundo sa lantarang rebelasyon ni Andrea Brillantes tungkol kay Jacob Poturnak: ‘I’m not sure if she was serious’ 

Pauline del Rosario |August 31,2023
facebook
share this

Ina Raymundo sa lantarang rebelasyon ni Andrea Brillantes tungkol kay Jacob Poturnak: ‘I’m not sure if she was serious’ 

Pauline del Rosario - August 31, 2023 - 02:11 PM

Ina Raymundo sa lantarang rebelasyon ni Andrea Brillantes tungkol kay Jacob Poturnak: ‘I’m not sure if she was serious’ 

Ina Raymundo, Jakob Poturnak, Andrea Brillantes

NAKARATING na nga sa batikang aktres na si Ina Raymundo ang naging mensahe ng aktres na si Andrea Brillantes para kanyang mga anak na sina Jakob at Erika.

Magugunitang nag-viral sa social media ang bahagi ng YouTube vlog ni Andrea na kung saan inihayag ng teen actress na nais niyang maka-date ang 19-year old son ni Ina na si Jakob.

Diretsahan pa ngang sinabi ng Kapamilya youngstar sa video, “Hi, Jakob! If you’re watching, I’m single now.”

“Date lang naman… Pero if taken ka, baka pwede ‘yung sister mo na lang. I would date Erika,” dagdag pa niya.

Nakapanayam ng Manila Bulletin si Ina at dito nga niya inamin na natuwa siya sa mga sinabi ni Andrea para sa kanyang mga anak.

Baka Bet Mo: Anak ni Ina Raymundo na si Jakob Poturnak napagkamalang Hollywood star, kamukha raw nina Channing Tatum at Chris Evans, agree kayo?

“I like Andrea, and I find her comments flattering and amusing. It’s raw and unfiltered,” sey ng batikang aktres.

Dagdag pa niya, “I am also not sure if she was serious or just kidding around.”

Gayunpaman, hindi raw siya makakapagsalita sa usapang pag-ibig ng kanyang mga anak.

Hinahayaan niya lang daw kasi niya sina Jakob at Erika na magdesisyon pagdating sa kani-kanilang lovelife.

“Unfortunately, I cannot decide for my kids Jakob and Erika on their choices and love life,” sambit ni Ina.

Aniya pa, “It’s really up to them. Also, the two are too busy in school abroad to comment on this.”

Kamakailan lang, nag-viral ang YouTube vlog ni Andrea na naglaro siya at ilan niyang mga kaibigan ng “Date or Pass.”

Kasama niya sa video sina Bea Borres, Criza Taa, at Danica Ontengco.

Base sa kanilang game, kailangan nilang mamimili kung ide-date ba o magpa-pass sila sakaling ma-encounter ang male celebrities na babanggitin.

At kabilang nga riyan ang baseball player na si Jakob Poturnak na anak ni Ina.

Lahat ng mga kasali sa laro ay “DATE” ang isinagot kahit na mas bata sa kanila ang binata.

“I would definitely date him,” saad pa nga ni Andrea.

Kwento pa ng aktres, nagkaroon na sila ng encounter ni Jakob ngunit sa kasamaang palad ay may dyowa siya noong mga panahong ‘yun.

“Gusto ko lang sabihin na dati nagpakilala siya sa akin. I was with Bea. Kaso ka-holding hands ko ‘yung ex ko nun,” chika ni Andrea.

Dagdag pa niya, “Tapos nagpakilala siya sa akin. Sabi niya ‘Hey, I’m Jakob.’ Oh my God. Gwapong-gwapo na ako sa kanya dati pa.”

Related Chika:

Kobe Paras, Erika Poturnak nagkabalikan na nga ba?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kobe Paras, Erika Poturnak kumpirmadong hiwalay na

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending