Ina Raymundo sa napakatangkad at artistahing anak: He looks like my ‘kuya’…where did my little munchkin go?
Ina Raymundo at Jakob Portunak
EMOSYONAL ang aktres at celebrity mom na si Ina Raymundo nang ibandera sa social media ang latest photo ng anak niyang artistahin din na si Jakob Portunak.
Parang hindi raw makapaniwala ang sexy actress na mas matangkad pa sa kanya ngayon ang 17-year-old na anak.
Sa isang Instagram account ni Ina, makikita ang baby photo ni Jakob at ang bago nilang litrato kung saan kitang-kita nga kung gaano katangkad ang binata.
Sey ng aktres sa caption, “The upside to having a tall son, he looks like my ‘Kuya.’ But on a serious note, where did my little munchkin go?”
Ngayong darating na April 20, turning 18 na ang bagets na isa na ring international athlete ngayon sa larangan ng baseball.
Sa isang birthday message, may hiniling si Ina sa anak, “You’ve grown from this cute, little (sleepyhead) munchkin, pumpkin pie into a 6 foot beast on the baseball field.
“You may be towering over your dad now but you’re still my baby. I will continue to hug you from behind while you play Fortnite and kiss your soft, baby scent hair.
“Please promise that you’ll be a secret Mama’s boy until at least you’re 18?
“I know God is with you always and if it’s His will, you’ll grasp what you’ve been aspiring for. So dream big my son. Dream big. Mama & Dad love you so much.
“P.S. My birthday wish is for you to put your shirt on so you won’t get ‘sipon’ all the time. Pls!” pahayag ng aktres.
View this post on Instagram
Si Jakob ay anak ni Ina sa Canadian-Ukrainian husband niyang si Brian Poturnak. May apat pa silang anak — sina Erika, Mikaela, Anika at Minka.
Recently, Ina was a guest in Eat Bulaga and shared some tips on how to take care of kids during the pandemic.
Kamakailan, nag-guest si Ina sa “Bawal Judgmental” segment ng “Eat Bulaga” kung saan nagbigay pa siya ng ilang tips sa pag-aalaga ng anak ngayong panahon ng pandemya.
“Alam mo napakaimportante talaga and very effective kahit wala pang pandemic ito na ‘yung ginagawa ko tuwing may sakit ako.
“Mask wearer talaga ako even before the pandemic so oras na may sipon ako ‘yung hindi ako makahinga sa ilong, magsusuot ako ng mask para after 10 minutes nag-humidify ‘yung ilong mismo dahil sa breath ko, nawawala ‘yung barado sa ilong ko,” pagbabahagi niya.
Pahabol ni Ina, “Number one din, ‘wag kayong magpa-panic kapag mataas ang lagnat ng anak n’yo. Tiyagain mo lang sa gamot every four to six hours and gagaling din talaga ang mga bata, resilient sila.”
https://bandera.inquirer.net/302623/ina-raymundo-asawa-5-anak-tinamaan-din-ng-covid-please-keep-calm-god-is-still-in-control
https://bandera.inquirer.net/305072/ina-raymundo-naging-instant-nurse-nang-magka19-ang-pamilya-nag-share-ng-first-aid-tips
https://bandera.inquirer.net/281569/hindi-namin-sinasabi-ni-ellen-na-mas-ok-ako-kay-john-lloyd-were-just-meant-to-be
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.