Cloe Barretto, Marco Gomez grabe ang pasabog na eksena sa ending ng '#DoYouThinkImSexy' | Bandera

Cloe Barretto, Marco Gomez grabe ang pasabog na eksena sa ending ng ‘#DoYouThinkImSexy’

Ervin Santiago |September 11,2022
facebook
share this

Cloe Barretto, Marco Gomez grabe ang pasabog na eksena sa ending ng ‘#DoYouThinkImSexy’

Ervin Santiago - September 11, 2022 - 08:02 AM

Cloe Barreto at Marco Gomez

SAKTO ang pagpapalabas ng pinakabagong Vivamax Original movie na “#DoYouThinkImSexy” ngayong balik na sa face-to-face classes ang mga estudyante.

Bida rito sina Cloe Barreto at Marco Gomez, sa direksyon ng award-winning filmmaker na si Dennis Marasigan. Ka-join din sa movie sina Chloe Jenna, Hershie de Leon, Milana Ikimoto at Ava Mendez.

Unang nagkasama sa Joel Lamangan movie na “Silab” sina Cloe at Marco at noon pa lang ay nakitaan na ng katapangan ang dalawa na itodo na ang kaseksihan sa kanilang mga eksena.  

Napanood na namin ang “#DoYouThinkImSexy” sa ginanap na private screening nito kamakailan sa Gateway Cinema 7 na dinaluhan ng cast members kasama si Direk Dennis.

View this post on Instagram

A post shared by Marco Gomez (@mr_marcogomez)


In fairness, maganda at napapanahon nga ang pagpapalabas nito sa Vivamax streaming app dahil tatalakayin dito ang isa sa matagal ng problema sa mga eskwelahan, ang iba’t ibang uri ng sexual harassment na ang karamihan ay ginagawa ng mga teacher.

Bukod dito, ibinahagi rin sa pelikula ang mundo ng mga camgirl at mga online sex worker na siyang karakter ni Cloe na ang tanging layumin lamang ay ang naitaguyod ang pamilyang umaasa sa kanya.

Dito, muling pinatunayan ng Vivamax sexy star na talagang nakakaarte siya bukod sa pagpapakita ng katawan at pakikipag-love scene sa kanyang leading man.

Maiinis naman kayo sa karakter ni Marco sa movie bilang isang manyak na professor na nambiktima kay Cloe sa kuwento. Talagang ginamit niya ang kanyang powers bilang guro para maka-sex ang estudyante niyang si Cloe.

Maalab, mapusok, marahas. Ganyan namin ilalarawan ang mga eksenang nangyayari sa loob ng isang adult internet site kung saan nga nagtatrabaho si Charlize (Cloe).

Isa siyang content creator sa #DoYouThinkIAmSexy.com at ang kinikita niya rito ay ginagamit niya sa kanyang pag-aaral at sa pagtulong sa pamilya. Elle ang gamit niyang pangalan bilang camgirl.

Masugid siyang sinusubaybayan ni Trystan na ginagampanan ni Marco. Gustung-gusto ni Trystan ang mga erotic videos ni Elle.  

Laking gulat ng dalawa nang magkita sila sa eskwelahan kung saan teacher ni Charlize si Trystan.   Hirap na nga sa klase si Charlize ay pagsasamantalahan pa ito ni Trystan. 

Para makaganti, lahat ng pantasya ni Trystan ay pagbibigyan ni Charlize, pero sa kabila ng ligayang naghihintay ang malupit na parusa.  

At tungkol naman sa ending ng pelikula, kayo na ang bahalang humusga kung makatarungan nga ba ang ginawa ni Cloe kay Marco. Pero sigurado kaming ikagugulat n’yo rin ito at mapapatanong ng, “Ganu’n ba talaga yun!?”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Napapanood na ngayon sa Vivamax ang “#DoYouThinkIAmSexy” kaya watch na at simulan na ang debate tungkol sa pag-aari ni Marco. Ha-hahaha! Spoiler alert ba?

Pelikula ni kilalang aktor na-delay ang pagpapalabas, wasak daw kasi ang puso dahil sa babae

Cloe Barreto sa ideal dyowa: Marespeto sa parents at responsable, kapag mayabang turn off agad ako!

Baliw din talaga ako sa pag-ibig, pag nagmahal po ako, walang bawal-bawal! – Cloe Barreto

Cloe Barreto mapapalaban ng aktingan kina Jaclyn Jose at JC Santos

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending