Mark Anthony tsinugi sa serye dahil sa viral sex scandal?

Mark Anthony tsinugi sa serye dahil sa viral sex scandal?

Therese Arceo - July 30, 2024 - 03:38 PM

Mark Anthony tsinugi sa serye dahil sa viral sex scandal?

MATINDI rin ang naging kapalit sa karera ng aktor na si Mark Anthony Fernandez matapos kumalat online ang kanyang sex video.

Kamakailan ay nag-trending ang aktor sa X (dating Twitter) dahil sa “pagpapainit” nito ng araw ng netizens na nakapanood ng kanyang viral video kasama ang isang babae.

Ayon sa latest episode ng “Showbiz Update” ng talent manager na si Ogie Diaz, nakaapekto kay Mark Anthony ang paglabas ng kanyang sex video sa publiko.

Chika ni Ogie, na-hack ang phone ng aktor kaya nakuha ang mga files rito at kasama na nga ang kanyang mga scandal.

Baka Bet Mo: Ogie Diaz inimbestigahan ang viral video ni Mark Anthony: ‘Di ko siya in-enjoy!

Dito ay inamin rin ni Ogie na talagang si Mark Anthony ang lalaki sa natirang video.

“Siya. Siya. Ang laki e,” natatawang sabi ni Ogie.

Dagdag pa niya, napanood na raw niya ang usap-usapang scandal ni Mark Anthony.

“Mukhang malaki ang naging epekto nito sa kanya, ‘yung eskandalo na lumabas. Ito na nga, bigla na lang siyang tinanggal [sa isang proyekto].

“According to my source, tinanggal si Mark Anthony Fernandez doon sa Rain in España starring Mark Gallo and Heaven Peralejo under Viva,” lahad ni Ogie.

Ang pumalit raw sa gaganap sa kanyang karakter ay si Dominic Ochoa.

“Nakakaloka. Ang sinabi lang na rason ay dahil raw sa lumabas… Nakaapekto [ang video sa career niya].

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Siyempre hindi rin natin masisisi si Mark kung talagang compilation niya lang ‘yun kaya lang lumabas,” sey pa ni Ogie.

Payo niya, sa susunod ay iwasan na lang ang pag-video at mag-ingat.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending