Ogie Diaz nag-react sa chikang mas magaling siya kay Boy Abunda

Ogie Diaz nag-react sa chikang mas magaling siya kay Boy Abunda

Therese Arceo - July 06, 2024 - 08:15 PM

Ogie Diaz nag-react sa chikang mas magaling siya kay Boy Abunda

HINDI napigilan ng talent manager at showbiz insider na si Ogie Diaz na mag-react sa chika na mas magaling raw siya sa Asia’s King of Talk na si Boy Abunda.

Pinuri kasi ng ilang netizens ang pagiging mahusay nito sa pag-i-interview sa mga artistang nagiging guests nito sa kanyang mga vlogs.

Sinagot naman ni Ogie ang mga papuri ng mga netizens at nagpasalamat sa mga taong nakaka-appreciate sa kaniyang ginagawa.

“Salamat po sa mga nakagusto ng paraan ko ng pag-interbyu. Pero wag nyo po ako ikumpara kay Kuya Boy Abunda,” saad ng talent manager at showbiz insider.

Baka Bet Mo: Ogie Diaz binalaan si Rosmar, huwag maniwala kay ‘Jiro Manio’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Marami pa po akong kakaining bigas para lang makapantay kay Kuya Boy. Pangarap ko ding maka-Ingles nang diretso, hahaha! Kaya dinadaan ko na lang sa pakikinig sa guest,” dugtong pa niya.

Marami rin naman sa mga netizens ang nagbigay ng reaksyon sa naging post ni Ogie patungkol sa pagkukumpara sa kanila ni Boy.

“Napakagaling nyo po. Natural yung flow ng conversation. Walang sapaw,” saad ng isang netizen.

Sabi naman ng isa, “Si Ogie kc hinahayaan niyang magsalita ng magsalita ang ini-interview di kina cut or sinisingit sarili nya.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“I don’t compare you to Boy Abunda. You two have different styles. Mas gusto ko lang yung style mo. Taong tao ang dating hindi pasosyal. Jologs po kasi kami,” hirit naman ng isa.

“Di mo na kailangan mag English, Pinoy naman ang nga audience mo. Okay na okay yung Tagalog.”
“King of LISTENING k mama @ogiediaz, ung isa TALK tlg ng TALK literally.”

Ang ganitong usapin ay naglabasan buhat nang makapanayam ni Ogie ang Queen of All Media na si Kris Aquino habang ito ay namamalagi sa America.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending