Pagsita ni Vice kay Axel wala raw 'violation' sa MTRCB

Pagsita ni Vice kay Axel wala raw ‘violation’ sa MTRCB, sey ni Ogie Diaz

Reggee Bonoan - June 08, 2024 - 03:35 PM

Pagsita ni Vice Ganda kay Axel walang 'violation' daw sa MTRCB, sey ni Ogie Diaz

Vice Ganda, Axel and Christine, Lala Sotto

WALANG violation ang ginawang pagsita ng TV host na si Vice Ganda sa male contestant ng “EXpecially For You” na si Axel Cruz sa plano nitong i-beso ang babaeng searcher na si Christine.

Base ito sa naging sagot ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson Lala Sotto-Antonio matapos hingan ng komento ng showbiz insider na si Ogie Diaz, lalo’t maraming netizens at personalidad na ang nakisawsaw sa isyu na kaliwa’t kanan ang bash kay Vice.

Kwento ni Ogie sa “Showbiz Update” vlog nila ni Mama Loi kasama si Dyosa Pockoh na ibinandera sa YouTube channel kagabi, June 7.

Baka Bet Mo: Christine todo iyak matapos bawiin ni Vice ang sorry: ‘Paano naman po ako?!’

“Wala raw iyon, walang violation nangyari at sinabi nga ni Chairman Lala Sotto kasi hinihingan ko ng statement ang MTRCB at sinabi  niya na, ‘I don’t have an official statement, but in my opinion the hosts acted appropriately on the given situation. Ganu’n lang kasimple ‘yun’,” kwento ni Ogie.

Sa tingin din ng vlogger na kaya ayaw nang magsalita pa ng hepe ng ahensya ng gobyerno ay dahil posible siyang kuyugin ng bashers.

“Kung ako kilala ko si Lala ayaw na niyang masyadong magsasalita I’m sure maraming humihingi ng panig niya. Siyempre pag nagsalita si Lala, iba-bash si Lala kasi nga kalaban ‘yung Tatay (Tito Sotto) ‘yung Eat Bulaga ng show ni Vice,” sambit ni Ogie.

Pahayag pa niya, “And ang alam ko ay paboritong panoorin ni Chairman Lala ang ‘Expecially For You’ kaya alam niya na wala raw violation na nangyari at tama lamang daw ‘yung ginawa ni Vice na pag-call out.”

“Iba-iba ang opinyon ng mga tao depende na lang talaga kung pagaganahin mo ang pagiging balanse mo o pagiging fair mo doon sa pangyayari,” ani pa ng talent manager.

Nabanggit pa na hindi rin maiiwasan ang beso-beso sa showbiz, lalo na sa magkakakilala at magkakaibigan kapag nagkita o magpapaalamanan kahit parehong lalaki at babae.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending