Christine todo iyak matapos bawiin ni Vice ang sorry

Christine todo iyak matapos bawiin ni Vice ang sorry: ‘Paano naman po ako?!’

Pauline del Rosario - June 07, 2024 - 10:08 AM

Christine todo iyak matapos bawiin ni Vice ang sorry: 'Paano naman po ako?!'

PHOTOS: Screengrab from TikTok/@jhelo_bernabe, Instagram/@praybeytbenjamin

TILA lalong tumitindi ang kontrobersiya kaugnay sa nakaraang episode ng “EXpecially For You” kung saan tampok ang male contestant na si Axel Cruz at babaeng searcher na si Christine.

Nag-viral kasi ‘yung recent video ni Christine na humahagulgol ng iyak matapos bawiin ni Vice Ganda ang kanyang apology sa live telecast ng “It’s Showtime.”

Ang naturang video ay ibinandera ng kapatid ni Axel noong June 5 at agad na kumalat sa TikTok.

Sa kasalukuyan, umaani na nga ito ng mahigit 8 million views.

Mapapanood sa video na nakasalampak sa sahig si Christine habang umiiyak at tila may kausap na staff ng noontime show matapos umere ang naging pahayag ni Vice.

Baka Bet Mo: Nikko naawa kina Axel at Christine, FB post patama ba kay Vice Ganda?

“Mas lalo niyo po sila binigyan ng dahilan para mai-bash ako,” sey ni Christine sa kanyang kausap na babae sa phone.

Wika pa niya habang umiiyak, “Pinagmukha niyo akong sinungaling. Paano naman po ako.”

Nag-reply naman sa kanya ang staff at sinabing nag-upload siya ng tatlong videos na hindi magkakatugma ang sinabi.

Sumagot naman diyan ang searcher at sinabing: “Ini-explain ko nga po lahat. Nakatatlong video po ako. Hindi po iba-iba. Paulit-ulit po ako.”

“Ini-e-exaggrate ko lang po kasi po ‘yung mga tao nirereplyan ko po sila kasi hindi po nila ma-gets ‘yung point ko,” ani pa niya.

Hindi na ma-view ang iba pang bahagi ng video, pero maririnig sa kausap ni Christine na sinabing hindi nila intensyong mapagmukhang sinungaling si Christine.

Bago pa matapos ang pag-uusap nila, nagsabi ang staff na muli nilang tatawagan ang searcher.

@jhelo_bernabe NAKAKAAWA SI CHRISTINE @maria_chrstnnn TOTOO TALAGA YUNG SINABE NYANG STATEMENT , GRABE KAYO SHOWTIME!!!! #expeciallyforyou #expeciallyforyoushowtime #expeciallyforyouchristine #expeciallyforyouaxel #expeciallyforyouchristineandderick #expeciallyforyouchristineandaxel #trendingvideo #trendingshowtime #showtime #ViceGanda #vicegandaapology #jhelobernabe ♬ original sound – Jhelo Bernabe

As of this writing, wala pang inilabas na bagong statement ang “It’s Showtime” kaugnay sa bagong viral video ni Christine.

Magugunitang nag-tweet si Vice na handa siyang mag-sorry kay Axel matapos klaruhin ng searcher na hindi naman daw siya na-offend sa ginawa ng ex-dyowa.

Ngunit binawi ito ng komedyante at sinabing: “Binabawi ko yung twineet ko na I will say an apology because I do not need to apologize for what I did.”

“Ito ang aking paniniwala, at paniniwala din namin na hindi kinakailangang mag-apologize because what we did was right,” sambit pa niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ipinaliwanag din ng TV host na umamin si Christine na hindi siya naging komportable sa naging gesture ni Axel na siya namang kontra sa mga ibinabandera na TikTok videos niya matapos ang nasabing episode.

“Talagang na-off siya at may naramdaman siyang hindi siya kumportable sa ginawa nung searchee,” pagbabahagi pa ni Vice.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending