Skusta Clee, Ava Mendez engaged na nga ba? | Bandera

Skusta Clee, Ava Mendez engaged na nga ba?

Therese Arceo |January 21,2023
facebook
share this

Skusta Clee, Ava Mendez engaged na nga ba?

Therese Arceo - January 21, 2023 - 11:58 PM

Skusta Clee, Ava Mendez engaged na nga ba?
USAP-USAPAN ngayon ng mga netizens kung totoo nga bang nag-propose na ang Ex-Battalion member na si Skusta Clee sa kanyang rumored girlfriend na si Ava Mendez.

Isang video kasi ang kumakalat ngayon sa social media kung saan makikita ang rapper na galing sa pagkakaluhod at saka mabilis na niyakap ang dalaga.

Makikita rin sa naturang video na talagang masayang-masaya sina Skusta at Ava habang magkayakap at kapansin-pansin rin ang mga kaibigan nila sa paligid na talagang masaya rin para sa kanilang dalawa.

Iba’t iba naman ang naging reaksyon ng mga netizens sa TikTok video lalo na’t sanay na ang ilan sa “pabago-bagong babae” ng rapper.

Nang basahin namin ang comment section sa viral TikTok video ay marami sa madlang pipol ang nagpupustahan kung totoo nga bang engaged sina Skusta at kung ilang buwan lang itong tatagal sakaling totoo man ang balita.

May ilan na nagsasabing 3 months lang at hindi raw aabot ng isang taon dahil for sure ay papalitan na raw ng lalaki si Ava kapag nagsawa ito gaya ng ginawa nito sa social media personality na si Aira Lipata.

Matatandaang si Aira ang hinihinalang “third party” noon sa kontrobersyal na paghihiwalay nina Skusta at Zeinab Harake.

Marami pa nga ang nagalit sa madlang pipol dahil hindi naman na sikreto sa publiko kung ilang beses na ngang naghiwalay ang dalawa dahil sa pagiging “unfaithful” ng rapper ngunit nang akala ng lahat ay nagbago na dahil magkakaroon na sila ng anak ay hindi pa rin pala.

Matapos nga ang kanilang paghihiwalay ay makikita ang mga Instagram stories na kasa-kasama ni Skusta si Aira ngunit ilang buwan lang ay tila hiwalay na rin ito dahil ang Vivamax star na ang ibinabandera nito sa kanyang social media accounts.

Wala pa namang kumpirmasyon mula sa kanila kung ano nga ba talaga ang “real score” sa pagitan nilang dalawa ngunit kapansin-pansin na magkasama ang dalawang nag-celebrate noong nagdaang Pasko.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Skusta Clee (@extraordinaryl)

Bukas naman ang BANDERA sa panig nina Skusta Clee at Ava Mendez hinggil sa diumano’y engagement nilang dalawa.

Related Chika:
Vivamax bombshell Ava Mendez inokray dahil sa litrato nila ni Skusta Clee: ‘Naks naman, you and me against the world ang pautot’

Ava Mendez, Skusta Clee ibinandera ang ‘harutan’ sa gitna ng kalsada, magdyowa na talaga!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Skusta Clee, Ava Mendez magkasamang nag-celebrate ng Pasko, magdyowa na nga ba?

Vivamax sex siren Ava Mendez walang arte sa hubaran, pangarap maging action star

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending