Ogie niregaluhan ng bag si Regine na nagkakahalaga ng mahigit P300k: Alam ko hindi niya bibilhin kasi nagpipigil na siya bumili | Bandera

Ogie niregaluhan ng bag si Regine na nagkakahalaga ng mahigit P300k: Alam ko hindi niya bibilhin kasi nagpipigil na siya bumili

Ervin Santiago |December 28,2022
facebook
share this

Ogie niregaluhan ng bag si Regine na nagkakahalaga ng mahigit P300k: Alam ko hindi niya bibilhin kasi nagpipigil na siya bumili

Ervin Santiago - December 28, 2022 - 03:34 PM

Ogie niregaluhan ng bag si Regine na nagkakahalaga ng mahigit P300k: Alam ko hindi niya bibilhin kasi nagpipigil na siya bumili

Regine Velasquez, Ogie Alcasid at Nate Alcasid

BONGGA ang pasorpresa ni Ogie Alcasid para sa pinakamamahal niyang wifey na si Regine Velasquez nitong nagdaang Pasko.

E, isang brand-new Dior bag lang naman ang ibinigay na Christmas gift ng Ultimate Singer-Songwriter sa nag-iisang Asia’s Songbird.

Last Monday, December 26, nag-post si Ogie ng isang video clip sa kanyang Instagram page kung saan makikita ang naging reaksyon ni Regine habang binubuksan ang kanyang regalo.

Isa nga itong Lady D-Joy bag from Dior’s Winter Garden o ang tinatawag na Jardin d’Hiver collection.

Nu’ng una, ang sinabi ni Ogie ay mula ito sa nasabing brand na ipinadala kay Regine as a Christmas gift. “Sosyal naman ng Dior,” ang sabi pa ni Ogie habang ina-unbox ito ng Songbird.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ogie Alcasid (@ogiealcasid)


Reaksyon naman ni Regine nang makita ang laman ng kahon, “It’s a bag! Did you give me this?” “No!” sagot naman ni Ogie.

“Are you sure?” ang tanong uli ni Regine sa asawa.

“It’s the bag that I like. You bought!” bulalas ng Songbird nang tuluyan nang makita ang mamahaling bag. Niyakap at hinalikan pa niya si Ogie habang thank you nang thank you.

Sa isang bahagi naman ng video ay ipinakita rin ni Ogie ang pagbubukas ni Nate ng gift mula sa kanya — a tank and jet model kits. “I was looking for this!” ang excited na sabi ni Nate.

Sa isinulat na caption ng TV host-singer sa ibinahagi niyang video, ipinaliwanag ni Ogie kung bakit ang nasabing bag ang iniregalo niya kay Regine na may tag price na mahigit P333,000 (base sa official website ng Dior).

“Nakita ko si misis na sumisilip sa isang tindahan at gandang ganda sya sa isang item na alam ko hindi niya bibilhin kasi nagpipigil na sya bumili ng mga bag.

“I saw the glow in her eyes as she was admiring the beauty of the bag and so i surprised her on Christmas day.

“I really love seeing my wife getting excited over anything much more a surprise present. You deserve much more my love and Merry Christmas. @reginevalcasid,” mensahe ng komedyante kay Songbird.

Para naman sa kanilang anak ni Regine, “Nate opened his tank and jet models which I used to assemble when I was his age, and wanted to impart to him the joy of having modeling as a hobby.”

Sey pa ni Ogie, “Pardon me for sharing this video but I just wanted to share the joy in the faces of my wife and my dear son. Have a blessed day everyone.”

Ogie umamin kay Regine, nagselos kina Piolo at Robin: Na-insecure ang lolo mo, tsaka ang popogi, e!

Vice nanlibre ng Pinoy sa Singapore: Mura lang yun pero ‘yung thought na binigyan ko siya ng bag ay maaalala niya lagi

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ogie super proud kay Regine: Flex ko lang ang asawa ko…ganyan siya kasimple, super mom & super wife!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending