Vice nanlibre ng Pinoy sa Singapore: Mura lang yun pero 'yung thought na binigyan ko siya ng bag ay maaalala niya lagi | Bandera

Vice nanlibre ng Pinoy sa Singapore: Mura lang yun pero ‘yung thought na binigyan ko siya ng bag ay maaalala niya lagi

Ervin Santiago |June 14,2022
facebook
share this

Vice nanlibre ng Pinoy sa Singapore: Mura lang yun pero ‘yung thought na binigyan ko siya ng bag ay maaalala niya lagi

Ervin Santiago - June 14, 2022 - 08:06 AM

Vice Ganda nanlibre ng mga Pinoy sa Singapore

Vice Ganda

MULING nanlibre ang TV host-comedian na si Vice Ganda sa ilang Pinoy na namamasyal sa isang lugar sa Singapore.

Habang naglalamiyerda sila ng kanyang “asawang” si Ion Perez ay may nakitang isang grupo ng mga Filipino ang komedyante na namimili sa nadaanan nilang tindahan sa SG.

Sa inilabas na vlog ni Vice sa kanyang YouTube channel, mapapanood nga ang panlilibre niya sa ilang Pinoy na nadaanan niya sa pinuntahang store sa Singapore.

Sabi ng Phenomenal Box-office Star, naisip niya ang manlibre nang makita ang isang Pinay na parang nagdadalawang-isip kung bibilhin ang belt bag na hawak-hawak nito.

“Kasi nadaanan ko sila tapos kinuha ng babae ‘yung belt bag. Sabi niya ‘Bibilhin ko ba?’ Tapos parang ang tagal niyang pinag-iisipan kung bibilhin niya ang belt bag.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin)


“Parang gusto niya kaya lang iniisip niya, siguro may pinaglalaanan siyang pera, tapos iniisip niya kung may extra tapos ibibili niya roon,” kuwento ng TV host.

“Eh, feeling ko gusto niya ‘yung bag kaya binalikan ko siya. Kasi nandoon sila sa may belt bag, tapos pabalik-balik talaga sila roon,” chika pa ni Vice kay Ion.

“Sa atin mabilis lang natin na bibilhin ‘yon. Mura lang pero ‘yung thought na binigyan ko siya ng bag ay maaalala niya lagi, mapapa-happy siya,” dagdag pang kuwento ng komedyante.

In fairness, naging bahagi na ng buhay ni Vice ang pagtulong at pagbibigay ng regalo sa mga nangangailangan kahit pa sa mga hindi niya kilala.

Last month lang ay namigay siya ng tigpa-P5,000 sa staff at crew ng “It’s Showtime” bilang maagang Pamasko.

Meron din siyang ipinag-shopping na dalawang babae na nadaanan lang nila sa isang kalye habang bumibiyahe.

https://bandera.inquirer.net/279800/heart-umaming-certified-jolina-fan-may-branded-bag-na-isa-sa-pinakamahal-sa-buong-mundo

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/283931/kim-ibinandera-ang-bag-collection-para-akong-nagbebenta-pa-mine-na-lang-po
https://bandera.inquirer.net/243/jinkee-pacquiao-pinagyayabang-ang-kayamanan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending