Ogie umamin kay Regine, nagselos kina Piolo at Robin: Na-insecure ang lolo mo, tsaka ang popogi, e! | Bandera

Ogie umamin kay Regine, nagselos kina Piolo at Robin: Na-insecure ang lolo mo, tsaka ang popogi, e!

Ervin Santiago |August 10,2021
facebook
share this

Ogie umamin kay Regine, nagselos kina Piolo at Robin: Na-insecure ang lolo mo, tsaka ang popogi, e!

Ervin Santiago - August 10, 2021 - 01:59 PM

Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Robin Padilla at Piolo Pascual

PINAGSELOSAN nang bonggang-bongga ng singer-songwriter at TV host na si Ogie Alcasid ang dalawa sa mga naging leading man ng asawa niyang si Regine Velasquez.

Diretsahang pinangalanan ni Ogie sina Robin Padilla at Piolo Pascual nang tanungin siya kung sino sa mga nakatambal ni Regine sa pelikula ang pinagselosan niya.

In fairness, talagang umiyak pa raw ang singer-comedian dahil sa matinding pagseselos niya kay Robin noong kasagsagan ng promo ng pelikula nito at ng Asia’s Songbird.

Nagkaroon ng Q&A session sina Regine at Ogie sa kanilang “Honest Talk with Mr. and Mrs. A” YouTube vlog kung saan sinagot nila ang ilang tanong mula sa kanilang mga tagasuporta.

At isa nga sa natanggap nilang question ay kung may leading man ba noon si Regine na pinagselosan ni Ogie? “Yeah, I did. Actually, twice. Kay Robin at saka kay Piolo.”

Nagtataka namang tanong ni Regine sa asawa na parang hindi makapaniwala, “Kay Piolo?” 
Sagot ni Ogie, “Oo, kasi hindi pa tayo out nu’n, e. Kaya na-insecure ang lolo mo. Tsaka ang popogi, e. Sino ba naman ako na kukumpara sa mga ‘yon?”

Kung matatandaan, dalawang beses nakatambal ng Songbird si Binoe sa pelikula, una sa blockbuster hit na “Kailangan Ko’y Ikaw” noong 2000, at sa “Till I Met You” noong 2006.

Nakagawa naman sina Regine at Piolo ng movie noong 2007, ang  “Paano Kita Iibigin?” 

Naging magkarelasyon sina Ogie at Regine taong 2006 ngunit hindi pa ito lantad sa publiko kaya may pinaghuhugutan naman daw ang singer-songwriter ng kanyang pagseselos.

Naikuwento na ni Regine sa “Tonight With Boy Abunda” (November, 2018) ang tungkol sa pagseselos noon ni Ogie. Umiiyak pa nga raw na tumawag ito sa kanya that time.

“Kasi nagkasabay ang pelikula namin, yung second movie namin ni Robin, that time, kami na nu’n ni Ogie. And we were not out yet. So, siyempre, landian kami nang landian ni Robin Padilla sa pelikula na ‘yon.

“Siyempre, naseselos siya. He called me one time and he was crying, and he felt so bad that, parang, ‘Bakit kailangan niyo pa gawin ‘yon?’

“Sabi ko, ‘Wala, promo lang naman ‘yon.’ Ta’s hindi niya maintindihan. And after nu’ng naging out na kami, tinanong ko sa kanya bakit. Ang sagot niya, ‘Kasi siyempre, hindi tayo out, e.’

“So, feeling ko, parang tagong-tago ako and I couldn’t tell anyone na ako yung mahal niya,” sabi pa ng Songbird.

Sa isang interview naman kinumpirma ito ni Ogie, “Nalaman ko nga may pelikula sila ni Robin. Sino ba naman ako? Isang action star, matipuno at talagang siyempre… medyo naano lang ako, na-insecure.

“Pero nalaman ko naman na napakamaginoo ni Robin at inalagaan niya si Regine, at ako naman ang pinakasalan kaya ayos na rin ‘yon,” pagbabalik-tanaw pa ni Ogie.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ngayon ay mas secure na raw siya sa relasyon at sa married life nila ni Regine, “Sa katandaaan namin pag nagseselos ka, medyo nakakahiya na, medyo may problema.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending