Baguio nakapagtala ng 12.2 °C nitong Pasko, pinakamalamig na temperatura ngayong taon
NAITALA sa Baguio City ang pinakamalamig na temperatura mula nang magsimula ang “northeast monsoon” o ‘yung tinatawag na hanging amihan ngayong 2022.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), ang amihan ay ang malamig na hangin at nagdudulot din ng mga pag-ulan sa silangang bahagi ng bansa.
“Kanina nga pong umaga ay narecord natin ‘yung pinakamababang temperatura since nagsimula ang amihan season dito sa Baguio City at 12.2 degrees celsius,” sey ni Weather Specialist Rhea Torres.
Dagdag pa ni Torres, “Patuloy pa ring iiral ang hanging amihan at magpapaulan dito sa silangang bahagi ng Luzon, kasama na diyan ang Cagayan Valley, Cordillera, Quezon, Aurora, at Bicol Region.”
“Samantalang dito sa Kanlurang Bahagi, kasama ang Ilocos provinces, Pangasinan, Zambales, Metro Manila at ilang bahagi ng Southern Luzon asahan ang generally fair weather conditions at may mga tiyansa lamang ng mahihinang pagulan dala ng epekto ng amihan,” aniya.
Dahil sa amihan ay patuloy pa ring nakataas ang “Gale Warning” o babala ng mga matataas na alon sa mga baybayin ng Batanes, Cagayan (including Babuyan Islands), Isabela, Aurora, Quezon (including Polillo Islands), Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Masbate, Burias Island, Albay, Sorsogon, Romblon, Marinduque, Northern Samar, Eastern Samar, Samar, Leyte, Negros Provinces, Guimaras, Iloilo, Capiz, Antique, Aklan, Bohol, Cebu, Dinagat Islands, Siargao Islands, Zambales, Batangas, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Lubang Island, Palawan, pati na rin ang Kalayaan, Cuyo at Calamian Islands.
Narito din ang listahan ng mga temperatura ng iba’t-ibang lugar sa bansa as of December 26:
- Metro Manila: 23 to 30 degrees Celsius
- Baguio City: 12 to 21 degrees Celsius
- Laoag City: 20 to 29 degrees Celsius
- Tuguegarao: 18 to 23 degrees Celsius
- Legazpi City: 22 to 28 degrees Celsius
- Puerto Princesa City: 25 to 30 degrees Celsius
- Tagaytay: 19 to 28 degrees Celsius
- Kalayaan Islands: 25 to 30 degrees Celsius
- Iloilo City: 24 to 29 degrees Celsius
- Cebu: 29 to 29 degrees Celsius
- Tacloban City: 23 to 28 degrees Celsius
- Cagayan De Oro City: 24 to 29 degrees Celsius
- Zamboanga City: 23 to 31 degrees Celsius
- Davao City: 24 to 31 degrees Celsius
Related chika:
#IkawNa: Ronnie Liang Army reservist at commercial pilot na, may Master’s degree pa
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.