Janine Gutierrez umalma sa netizen na nagsasabing ginagamit niya ang GMA for publicity: No disrespect! | Bandera

Janine Gutierrez umalma sa netizen na nagsasabing ginagamit niya ang GMA for publicity: No disrespect!

Therese Arceo |June 11,2022
facebook
share this

Janine Gutierrez umalma sa netizen na nagsasabing ginagamit niya ang GMA for publicity: No disrespect!

Therese Arceo - June 11, 2022 - 03:35 PM

Janine Gutierrez umalma sa netizen na nagsasabing ginagamit niya ang GMA for publicity: No disrespect!
KINASTIGO ng isang netizen ang aktres na si Janine Gutierrez sa diumano’y paggamit nito sa GMA-7 kung saan dati siyang talent artist.

Sa nagdaang presscon kasi ng aktres para sa pelikula nila ni Paulo Avelino na “Ngayon Kaya” noong June 2 ay binalikan ng aktres ang panahon na nag-audition siya para sa role ni Amihan sa Kapuso teleseryeng “Encantadia”.

Pagkukwento niya, isa siya sa mga na-short list na aktres para sa role pero hindi siya magtagumpay na masungkit ang role at napunta ito kay Kylie Padilla.

Saad ni Janine, “But in the end the role went to someone else tapos sobrang heartbroken ako kasi sobrang fan ako ng Encantadia, fan ako ni Iza (Calzado) so parang di ko ma-gets, oh my gosh, like parang gusto kong gawin ito pero I didn’t get it.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by T-Rex Entertainment (@trexprodph)

“And then when I got the script of this (movie), nakita ko yung name ng character ko is Amihan. So I was like, oh my gosh, gets ko na that this was the Amihan that was meant for me.”

Kaya banat sa kanya ng netizen sa Twitter, “Accla @janinegutierrez , ano yan? Kada may show ka o ganap laging dawit GMA sa presscon mo para umingay?

“haha move on kana ante [laughing with tears emoji]. Sa ngalan ng brilyante ng tubig sana hindi mag flop movie mo gaya nung MMMY series mo Chareng! Labyu.”

Pahabol pang hirit ng netizen, “PS: bute na nalang si Kylie ang naging Amihan [blue heart emoji]”

Sinagot naman agad ito ni Janine at pinabulaanan ang mga pahayag nito na ginagamit niya ang dating network para umingay at pag-usapan.

“No disrespect! I was asked about meant-to-be moments in my career and I just talked about how this character, named Amihan rin, was the one meant for me pala.

Dagdag pa ng dalaga, “Super agree na good thing si Kylie naging Amihan sa Enca, super bagay & galing niya, lalo na action pa. Deserve.”

Marami naman sa mga fans at supporters ng aktres ang agad bumack-up kay Janine at sinabi rin nitong mas maayos na raw ang karera ng aktres ngayon at pinayuhan rin siya na huwag na lamang pansinin at huwag nang pag-aksayahan ng oras ang mga sinasabi ng kanyang mga haters.

Related Chika:
Janine Gutierrez nag-audition noon sa ‘Encantadia’ ng GMA; pumasa bilang Amihan, pero…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Heaven, patuloy na trending sa socmed; DJ Chacha binatikos sa pag-epal sa relasyon ng iba

Janine Gutierrez may kwelang ‘before and after’ photo; hindi inaakalang mag-aartista

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending