Janine Gutierrez nag-audition noon sa 'Encantadia' ng GMA; pumasa bilang Amihan, pero... | Bandera

Janine Gutierrez nag-audition noon sa ‘Encantadia’ ng GMA; pumasa bilang Amihan, pero…

Ervin Santiago |June 06,2022
facebook
share this

Janine Gutierrez nag-audition noon sa ‘Encantadia’ ng GMA; pumasa bilang Amihan, pero…

Ervin Santiago - June 06, 2022 - 12:03 PM

Paulo Avelino at Janine Gutierrez

BINALIKAN ng award-winning Kapamilya actress na si Janine Gutierrez ang panahong nag-audition siya sa hit fantasy-action series ng GMA na “Encantadia”.

Naibahagi ito ng dating Kapuso star nang humarap siya sa mga members ng entertainment press pagkatapos ng private screening ng movie nila ni Paulo Avelino na “Ngayon Kaya” last June 2.

Proud na proud at feeling grateful si Janine sa bagong pelikula nila ni Paulo na umani ng magagandang review mula sa mga nakapanood na nito na idinirek ni Prime Cruz para sa T-Rex Entertainment at WASD Films.

Ayon sa premyadong aktres, “I really love this role kasi sobrang nakaka-relate ako sa kanya. Kasi parang everybody in their lives, meron usually yung isang tao na palagi mong naiiisip na what if?

“Or parang ano kaya kung iba yung ginawa ko or iba yung sinabi ko? And ito yung tema ng pelikula,” pahayag ni Janine.

Super pasalamat din sila ni Paulo na finally makalipas ang halos tatlong taon, maipapalabas na rin sa mga sinehan ang “Ngayon Kaya” na nakatakda sana for theatrical release noong 2022.

Natapos na nila ang pelikula bago pa nila gawin ang kanilang teleserye sa ABS-CBN na “Marry Me, Marry You”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JANINE (@janinegutierrez)


“For the past three years ngayon ipapalabas na ito. Kasi dati, umabot na kami sa nag-shoot na kami ng promo, naka-schedule na ng mall shows. So nung nag-lockdown shucks sobrang excited ako for this to come out.

“And now two years later, ito na nga, ngayon kaya ito na siya. Happy ako kasi I think eventually, kung ano yung timing ng universe yun sana yung best. So hopefully talagang pumunta sa sinehan yung mga tao at panoorin ito,” aniya pa.

Samantala, tulad nga ng kanyang character sa pelikula, meron din siyang mga “what if” moment sa buhay tulad na lang ng nangyari noong nag-audition siya para sa ikalawang version ng “Encantadia” ng GMA 7.

“I have something off the top of my mind. A random funny story lang. Super nakaka-relate ako sa character ko dito kasi I also believe na parang in manifesting and things like that. Very ganu’n ako mag-isip.

“And then many, many years ago, I auditioned for the Encantadia reboot in GMA and then parang na-shortlist, parang umabot ako sa finals. And I was considered to be Amihan.

“But in the end the role went to someone else tapos sobrang heartbroken ako kasi sobrang fan ako ng Encantadia, fan ako ni Iza (Calzado) so parang di ko ma-gets, oh my gosh, like parang gusto kong gawin ito pero I didn’t get it.

“And then when I got the script of this (movie), nakita ko yung name ng character ko is Amihan. So I was like, oh my gosh, gets ko na that this was the Amihan that was meant for me,” masayang kuwento ni Janine.

Mapapanood na sa June 22 ang “Ngayon Kaya” sa mga sinehan. Kasama rin nina Paulo at Janine dito sina Alwyn Uytingco, John James Uy, Donna Cariaga, Haley Dizon at Rio Locsin.

https://bandera.inquirer.net/295521/janine-gutierrez-may-kwelang-before-and-after-photo-hindi-inaakalang-mag-aartista

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/308769/janine-diego-feeling-lucky-sa-50th-birthday-ni-lotlot-we-love-you-so-much
https://bandera.inquirer.net/297933/napiling-valentina-bagay-na-bagay-na-kalaban-ni-darna-sino-nga-kaya-siya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending