Bong enjoy sa pagiging game show host; personal na ibinigay ang brand new car sa 'Amazing Pamasko ni Pogi' winner | Bandera

Bong enjoy sa pagiging game show host; personal na ibinigay ang brand new car sa ‘Amazing Pamasko ni Pogi’ winner

Ervin Santiago |December 23,2022
facebook
share this

Bong enjoy sa pagiging game show host; personal na ibinigay ang brand new car sa ‘Amazing Pamasko ni Pogi’ winner

Ervin Santiago - December 23, 2022 - 10:08 AM

Bong enjoy sa pagiging game show host; personal na ibinigay ang brand new car sa 'Amazing Pamasko ni Pogi' winner

Bong Revilla

GRABE! Talagang literal na maligaya ang magiging Pasko at masaganang Bagong Taon ang naghihintay sa mga kababayan nating nabiyayaan ng mga pasabog na sorpresa ni Sen. Bong Revilla.

Isa na namang maswerteng Pinoy ang nakatanggap ng brand new car mula sa senador bilang bahagi ng kanyang “Amazing Pamasko ni Pogi” charity project na ginanap noong December 17 at 18.

Mahigpit na yakap ang isinukli ni Arlean Lourdes Sanqui Cuison ng Block 1, Lot 9 Villa Ceseni Subdivision, Camarin Road,  Caloocan City nang personal niyang tanggapin ang kulay orange na bagong sasakyan mula kay Sen. Bong.

Si Cuison ang ikatlo sa mga nabiyayaan ng brand new car ng aktor at public servant sa “Amazing Pamasko Ni Pogi” na napanood nang live sa kanyang Facebook account.

Bukod sa dalawang kotse na unang ipinamahagi ng action star ay mayroon pang karagdagang dalawa, plus limang motorsiklo at daan-daang libong cash ang kanyang naipamigay.

At meron pang isang napakasuwerteng kababayan natin mula sa Tabayon, Banga, Aklan ang nagwagi naman ng P1 million.

Nakatakdang lumipad si Sen. Revilla patungong Aklan para personal na iabot ang isang milyong pisong masuwerteng nanalo.

In fairness, talagang in-enjoy ni Sen. Bong ang pagiging game show host sa kanyang “Amazing Pamasko ni Pogi” sa Facebook Live kasama ang kanyang pamilya.

Ginawa na rin ito ng aktor last Christmas, noong birthday niya, at nu’ng  pino-promote niya ang weekly series niya sa GMA 7 na “Agimat Ng Agila.”

“Gusto lang naman namin mas marami sa mga kababayan natin ang mapasaya at mabigyan ng regalo ngayong Pasko,” sey ni Bong.

Naka-join niya sa “Amazing Pamasko ni Pogi” ang asawang aktres na si Cavite Second District Rep. Lani Mercado, Cavite First District Rep. Jolo Revilla, at misis nitong si Angelica Alita.

“Nasa pandemic pa rin tayo. Marami pa rin talagang naghihirap. Kahit paano meron naman tayong naitutulong sa ating mga kababayan,” sey pa ng aktor.

Samantala, muling mapapanood ang “Agimat ng Agila” simula sa December 26, hanggang January 12, 2023, sa GMA Telebabad, 9:35 p.m..

Bong Revilla biglang isinugod sa ospital, Lolit Solis nag-alala: Scary ang dating sa akin ng balita

Bong sumabak sa matinding training para sa Agimat Ng Agila: Hindi ko talaga maiiwan ang showbiz

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bong nagpakundisyon ng katawan: Mga bata ang kasabay ko kaya kailangang magpakitang-gilas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending