Dalawang sikat na artista hindi na ni-renew ang product endorsement, bakit kaya? | Bandera

Dalawang sikat na artista hindi na ni-renew ang product endorsement, bakit kaya?

Reggee Bonoan - December 03, 2022 - 01:01 PM

Dalawang sikat na artista hindi na ni-renew ang product endorsement, bakit kaya?
“HINDI lahat ng sikat [na artista] ay effective endorsers, sila pa ‘yung ikinalulugi ng kumpanya,” ito ang kaswal na tsika sa amin ng taga-ahensiya.

Ganito kasi ang paniniwala ng mga may-ari ng produkto na kaya sila kumukuha ng sikat na endorsers ay dahil marami silang subscribers at followers sa social media sites and platforms nila lalo na kung kaliwa’t kanan ang pag-promote nila ng ini-endorso nila.

Ayon sa kausap naming taga-ahensiya, “Hindi naman sinabing nagsisisi sila (may-ari ng produkto) sa pagkuha kina (dalawang sikat na artista) kasi tapos na, ang sabi lang, ‘nalugi kami.’

Kaya nalugi ay dahil sobrang mahal ng talent fee ng dalawang sikat na artista na inakala raw na mababawi nila ito in six months kasi nga inakalang epektibo sila, e, hindi pala.

“Sa sobrang mahal nila hindi pa sila mahilig mag-post kahit na anong kalampag laging sagot sasabihin sa admin o social media manager nila kasi hindi maasikaso busy sa shooting o tapings ng show nila.

“’Yung model product na ini-endorso nila (dalawang sikat na artista) hindi man lang nakabenta kahit na anong push. In our end, kumuha kami ng taga-push din namin pero walang feedback.

“E, paano nga naman mabebenta, e, sila (dalawang sikat na artista) mismo hindi naman nagpo-post nga o hindi yata naniniwala sa produkto kasi ibang brand na kapareho ng produkto ang ginagamit pa nila at minsan nakikita iyon show na kasama sila.kaya paano nga naman maniniwala ang tao sa kanila?” pagkukuwento ng aming kausap.

Kaya ang ending ay hindi na ni-renew ng owner ng produktong in-endorso ang dalawang sikat na artista dahil malaking halaga ang nawala sa pondo nila.

“Panay nga ang tanong nu’ng handler nila (dalawang sikat na artista) kung kailan magre-renew para ma-discuss raw ulit ang next campaign. E, sinabi namin na hindi na sila ni-renew ng owner ng client. Nagulat siyempre kasi nga sikat mga alaga niya,” pagtatapat ng taga-ahensya.

Related Chika:
Sikat na aktres puro tira-tirang ulam ang inireregalo; kaibigan nagreklamo sa panis na pasalubong

Pelikulang gagawin sana ng sikat na aktres at aktor napurnada dahil sa selosong dyowa ni ate gurl

Male star pinrotektahan pa rin ang ex-GF na aktres kahit nakipagchurvahan sa isang aktor

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sikat na female celeb buntis daw, sa ibang bansa muna maninirahan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending