Sikat na female celeb buntis daw, sa ibang bansa muna maninirahan | Bandera

Sikat na female celeb buntis daw, sa ibang bansa muna maninirahan

Reggee Bonoan - October 23, 2022 - 11:00 AM

TRULILI kaya na nasa interesting stage ngayon ang sikat na aktres na inactive ngayon sa showbiz dahil gusto niyang pagtuunan ang kanyang mahal sa buhay?

Ang sikat na aktres na ito ay kasalukuyang nasa ibang bansa para magbakasyon dahil kahit hindi siya aktibo sa showbiz ay marami naman siyang pinagkakaabalahan.

Kaliwa’t kanang movie at TV series sana ang gagawin ng kilalang aktres pero ang lahat ng ito ay naka-hold kasi nga gusto raw muna niyang magpahinga pero sinigurado naman niya na babalik siya kaagad ng bansa.

Pero dahil balitang buntis nga si kilalang aktres ay malamang matatagalan pa siya sa bansang kinaroroonan niya ngayon.

Mukhang hindi naman nalulungkot ang kilalang aktres dahil marami siyang kaibigang naroon bukod pa sa mga kaanak niya.

Nagkita na kaya sila ng isa pang sikat na aktres na kasalukuyang naroon din sa bansang tinitirhan niya? Plano rin ng sikat na aktres na magtagal doon dahil less stress at nagagawa nito ang gusto niya bilang ordinaryong mamamayan.

Samantala,  kailangang bumalik ang kilalang aktres sa 2023 dahil marami pala siyang project na willing siyang hintayin.

Worth it naman talagang hintayin ang kilalang aktres dahil mahusay naman talaga siya bukod pa sa mahal na mahal siya ng mga taga-production.

Male star pinrotektahan pa rin ang ex-GF na aktres kahit nakipagchurvahan sa isang aktor

Pelikulang gagawin sana ng sikat na aktres at aktor napurnada dahil sa selosong dyowa ni ate gurl

Aktres na-bad trip kay sikat na female star dahil sobrang adik sa TikTok: ‘Ayoko na siyang makatrabaho!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending