Hugot ni Angelica sa pagiging padede mom: Tanggapin mo nang naka-bra ka na lang hangga't manawa siyang dumede sa 'yo | Bandera

Hugot ni Angelica sa pagiging padede mom: Tanggapin mo nang naka-bra ka na lang hangga’t manawa siyang dumede sa ‘yo

Ervin Santiago |November 22,2022
facebook
share this

Hugot ni Angelica sa pagiging padede mom: Tanggapin mo nang naka-bra ka na lang hangga’t manawa siyang dumede sa ‘yo

Ervin Santiago - November 22, 2022 - 06:53 PM

Hugot ni Angelica sa pagiging padede mom: Tanggapin mo nang naka-bra ka na lang hangga't manawa siyang dumede sa 'yo

Angelica Panganiban at baby Amila Sabine Homan

INISA-ISA ng Kapamilya actress na si Angelica Panganiban ang mga kaganapan at natutuhan niya sa pagiging nanay dalawang buwan matapos isilang si Baby Bean.

Ayon sa tinaguriang Hugot Queen, sa maikling panahong yun ay napakarami na niyang natutunan sa pag-aalaga sa panganay nila ng kanyang fiancé na si Gregg Homan.

Sa pamamagitan ng kanyang social media account, nagbahagi si Angelica ng ilang tips sa mga tulad niyang first time mommy na naninibago pa sa mga pagbabago sa kanilang journey.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap)

“Bago ka mag padede kapag 4am na, mag sipilyo, hilamos at umihi ka na.

“You’ll never know kung papayag pa ba siyang magpababa sayo (ibulong mo na din kay Lord na sana makaligo ka sa araw na ito),” simulang pahayag ng aktres.

“Pangalawa, ipunin ang mga kailangan sa tabi mo kapag nagpa dede ka, remote ng tv, at ng aircon, libro, phone, charger, tubig at snacks.

“Pangatlo, hindi ka na makakapag damit. Tanggapin mo na, na naka bra ka na lang hanggat manawa siyang dumede sayo.

“Kasama na rin dito ang pag suklay ng buhok. What is hair brush na po tayo. Opo,” aniya pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap)

Pagpapatuloy pa niya, “Pang apat, kumain ng marami at mabilis. Pero bawal ang kalansing ng kubyertos at baka magising mo ang nabudol mong baby.”

Sa huli, pinayuhan din niya ang mga nanay na habang “sleeping beauty” si baby ay umidlip din, “Matulog kapag tulog si baby. Subukang pakalmahin ang isip.

“I know madami tayong gustong gawin at ma accomplish. Pero, tanggapin mo nang, hindi ka naman talaga makakatayo sa kinauupuan mo. Kaya matuto kang matulog ng nakaupo.

“Saludo ako sa lahat ng ina. Mabuhay tayong lahat,” ang pahabol pang papuri ni Angelica sa mga nanay.

Related Chikas:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Angelica Panganiban naloka sa regalo ni Kim sa kanyang baby: Parang kinakabahan ako…

Angelica Panganiban umiyak ng 3 oras, Judy Ann Santos to the rescue

Angelica hindi pa rin sure kung handa nang maging nanay: Nakakabaliw siya! May mga nights or days na umiiyak na lang ako…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending