Angelica Panganiban may pa-face reveal ni Baby Bean: 'Hello world!' | Bandera

Angelica Panganiban may pa-face reveal ni Baby Bean: ‘Hello world!’

Therese Arceo |October 20,2022
facebook
share this

Angelica Panganiban may pa-face reveal ni Baby Bean: ‘Hello world!’

Therese Arceo - October 20, 2022 - 02:27 PM

Angelica Panganiban may pa-face reveal ni Baby Bean: 'Hello world!'
AGAD na nag-trending ang pa-face reveal ng aktres at ngayo’y isa nang ganap na mommy na si Angelica Panganiban sa kaniyang baby girl na si Amila Sabine.

Ngayong araw, Oktubre 20 ay ibinahagi ng aktres ang larawan ni Baby Bean mula sa kanyang naging photoshoot.

Naganap ang pa-face reveal ni Angelica isang buwan matapos niyang ipanganak ang panganay na anak nila ng kanyang non-showbiz fiancé na si Gregg Homan.

“Hello world! It’s been a month.

“Mom and dad are finally ready to share me with you. So, here I am,” caption ni Angelica.

Tatlong oras matapos ang pagkaka-post ni Angge ng larawan ng anak ay agad itong nag-viral at kumalat sa social media sapagkat napaka-cute at napakaganda talaga ni Baby Bean.

Marami rin ang nag-comment sa post ni Angelica na talaga namang aliw na aliw at tuwang tuwa sa kanilang baby girl.

“Halaa apaka cute man nyan mam oy,” comment ni Maymay Entrata.

Saad naman ni Jolina Magdangal, “Juskoday!!!!! Ang nasabi ko pala ay ang pogi pero nasa isip ko ANG GANDA!!!!!! Anyare sakin??? NAMESMERIZE KASI AKO SA MATA E! Graaaaaay eyes!!!!!!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap)

“May panibagong sisigaw ng hoy bata!” hirit naman ni Chynna Ortaleza.

Ilan pa sa nag-comment ay sina Marian Rivera, Bea Alonzo, Maja Salvador, Pokwang, at Maris Racal.

Matatandaang nitong Setyembre 20 nang i-welcome nina Angelica at Gregg ang kanilang little girl.

Talaga namang umaapaw ang saya sa puso ni Angge dahil finally ay unti-unti nang natutupad ang kanyang mga pangarap matapos ang mga pinagdaanang heart breaks.

Nitong Oktubre lang rin ng ibahagi ni Angelica na engaged na sila ng ama ng kanyang anak.

Sa pamamagitan ng kanyang YouTube vlog ay ipinagsigawan sa mundo ng aktres ang masayang balita sa madlang pipol.

“May baliw na nagpro-propose sakin. Kahit anong kabaliwan ko, pangit ng ugali ko, mahal na mahal ako,” sey ni Angelica.

Apat na buwan nang ipinagbubuntis ng aktres si Baby Bean nang maganap ang kanilang engagement.

Related Chika:
Angelica Panganiban nanganak na: Bean waiting for you all my life

Angelica nahirapan sa unang 3 buwan ng pagbubuntis: Susuka, iiyak, tatawa, mainit ang ulo…para akong kinikiliti!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Angelica Panganiban umiyak ng 3 oras, Judy Ann Santos to the rescue

Angelica hindi pa rin sure kung handa nang maging nanay: Nakakabaliw siya! May mga nights or days na umiiyak na lang ako…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending