Angelica Panganiban umiyak ng 3 oras, Judy Ann Santos to the rescue | Bandera

Angelica Panganiban umiyak ng 3 oras, Judy Ann Santos to the rescue

Therese Arceo |September 29,2022
facebook
share this

Angelica Panganiban umiyak ng 3 oras, Judy Ann Santos to the rescue

Therese Arceo - September 29, 2022 - 01:49 PM

Angelica Panganiban umiyak ng 3 oras, Judy Ann Santos to the rescue

LABIS ang pasasalamat ni Angelica Panganiban sa pamilya ni Judy Ann Santos dahil sa walang sawa nitong pagpaparamdam ng pagmamahal sa kanya buhat nang ipagbuntis niya ang panganay niyang anak na si Baby Bean.

Sa kanyang Instagram post ay ibinahagi niya ang larawan nina Juday at ng anak nitong si Luna habang hawak-hawak si Baby Bean.

“Magmula 1st trimester ng pregnancy, hanggang ngayon na nailabas ko na sa mundong ibabaw si Amila, walang tigil si ate juday sa pagpapadala ng care packages,” pagbabahagi ni Angelica.

Biro pa niya, kulang na nga lang daw ay si Judy Ann na ang magpaanak sa kanya sa sobra nitong pag-aalaga sa kanya.

Pagkukwento pa ni Angelica, may isang araw daw kung saan wala siyang ibang ginawa kung hindi umiyak ng 3 hours, na marahil ay epekto ng postpartum, hinikayat siya ni Gregg na baka gusto niyang makita ang kanyang Ate Juday.

At para na nga rin daw sa kanyang mental health niya ay agad siyang pumayag sa suhestiyon ng kanyang partner.

“THANK YOU Agoncillo family sa lahaaaat lahat. Napakabuti niyo sakin, kay Gregg at ngayon kay Bean. May mga pabaon pa si lunabun na very sanitized minnie mouse doll at may dessert pa from chef luna,” pagpapasalamat ni Angelica.

 

View this post on Instagram

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap)

 

Sa hiwalay na Instagram post naman ay ibinandera ni Judy Ann ang pagiging proud niya kay Angge at sa kung paano ito maging ina kay Baby Bean.

“Ang sarap mong panoorin ..pagmasdan at pakinggan.. dahil alam kong ito talaga ang matagal mong hinintay at ipinagdasal.. deserve na deserve mo dahil handang handa ka na,” saad ni Juday kalakip ang larawan ni Angelica habang inaasikaso ang kanyang baby girl.

Dagdag pa niya, “Binuo ka at pinagtibay ng Panginoon dahil may tamang tao talaga na ibibigay sayo.. yung aalagaan ka at mamahalin ka ng buong buo.. napakasaya ko para sayo sweetheart.”

Chika pa niya, bukas raw ang kanilang bahay para alagaan si Baby Bean sakaling gustuhin nina Angelica ang magkaroon ng me time at mag-date ni Gregg.

“Andito lagi ang pamilya agoncillo para sa pamilya homan. Mahal na mahal namin kayo,” sey pa ni Judy Ann.

Related Chika:
Angelica Panganiban nanganak na: Bean waiting for you all my life

Judy Ann Santos tigil muna sa cooking vlogs dahil sa pagtaas ng bilihin: Ayokong hindi maka-relate ‘yung viewers

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Angelica Panganiban naloka sa regalo ni Kim sa kanyang baby: Parang kinakabahan ako…

Juday sa pagiging host ng ‘Magandang Buhay’: Nakakaloka! Kinakabahan ako, ano ba yan?!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending