Vilma Santos tinamaan ng ‘long COVID-19’: Kahit anong ingat na po ang ginawa ko... | Bandera

Vilma Santos tinamaan ng ‘long COVID-19’: Kahit anong ingat na po ang ginawa ko…

Pauline del Rosario |November 03,2022
facebook
share this

Vilma Santos tinamaan ng ‘long COVID-19’: Kahit anong ingat na po ang ginawa ko…

Pauline del Rosario - November 03, 2022 - 12:45 PM

Vilma Santos tinamaang ng ‘long COVID-19’: Kahit anong ingat na po ang ginawa ko...

PHOTO: Instagram/@rosavilmasantosrecto

IBINUNYAG ng “Star for all Seasons” at dating congresswoman na si Vilma Santos na siya’y nakikipaglaban ngayon sa sakit na COVID-19.

Nag-update ang beteranang aktres kasabay ng kanyang kaarawan ngayong November 3.

Sa pamamagitan ng isang video na ibinadera sa Facebook, ipinaliwanag ni Ate Vi na kasalukuyan siyang negatibo sa virus, pero sinabi raw sa kanya ng mga doktor na tinamaan siya ng pangmatagalang uri ng virus…ang tinatawag na “long COVID-19.”

Sey ni Vilma, “Alam ko po na medyo matagal niyo po akong hinanap.

“Well, I’ll be frank, COVID got me at ibang klaseng COVID ko.

“Negative na ako pero ito ho raw ‘yung tinatawag nilang long COVID, ‘yung nagkaroon ng complications.

Nabanggit din niya na patuloy siyang nakararanas ng ilang sintomas gaya ng asthma attack, pagbaba at pagtaas ng blood pressure at sakit ng ulo.

“I had an asthma attack, and then nagkaroon po ng mga fluctuating BP, headache, kahit na anong ingat na po ang ginawa ko, nakuha pa rin po ako ng COVID,” sabi sa video.

Pinayuhan si Ate Vi ng mga doktor na magpahinga na muna habang hindi pa gumagaling sa mga sintomas.

Nagpaalala din siya sa publiko na laganap pa rin ang COVID-19 na sa kabila ng kanyang pag-iingat ay nahawaan pa rin siya ng virus.

Aniya, “So I’m trying my very best to get back to the groove, so pagbigyan niyo muna ako ha.”

Dagdag pa niya, “See, kahit ano na pong ingat ang gawin ko, nakuha pa rin ako ng COVID.

“So gusto ko lamang ipaalala sa inyong lahat na please, please COVID is still here at lalo na po sa mga katulad ko po sa mga edad ko na mga senior, you really have to be careful, hindi po talaga madali.

“Maski po ako nahirapan, I’m still trying my best to get well at this point in time.”

Lubos na nagpapasalamat ang actress-politician sa kanyang mga doktor na hanggang ngayon ay patuloy siyang inaalagaan.

“Sila po lahat ang talagang nagbabantay sa akin everyday, ‘yung sa homecare ko… Lahat ng mga doctors ko who really took good care of me actually up to this day,” ayon kay Vilma.

Humingi rin siya ng paumanhin sa kanyang fans dahil sa tagal na walang update at hindi na rin nakakasagot ng mga text message.

Sey niya, “To all my Vilmanians, pasensya na kayo, alam niyo naman palagi ko sinasabi sa inyo na hindi ko nasasagot mga texts niyo, wala akong vlog.

“Pero ngayon, I’m trying my very best, babalik din tayo.”

Libo-libong fans na ang nag-comment sa kanyang video at bumati ng happy birthday sa kanya.

Sa ngayon ay 69 years old na si Ate Vi.

Read more:

Vilma Santos nanawagan sa mga fans na suportahan si Ate Guy: There is a time for everything

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Vilma Santos, kabilang sa nominado sa pagka-presidente, VP ng 1Sambayan

Bakit hinding-hindi malilimutan ni Carlo ang sampal ni Vilma Santos? 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending