Vilma Santos, kabilang sa nominado sa pagka-presidente, VP ng 1Sambayan | Bandera

Vilma Santos, kabilang sa nominado sa pagka-presidente, VP ng 1Sambayan

Karlos Bautista - June 12, 2021 - 07:09 PM

Kabilang si Representative Vilma Santos-Recto sa mga nominado sa pagka-presidente at bise-presidente ng grupong oposisyon na 1Sambayan.

Si Vilma ay kasalukuang  representante ng ika-anim na distrito ng Batangas at deputy speaker ng Nacionalista Party.

Mahaba na rin ang karanasan ni Ate Vi sa pulitika.

Taong 1998 nang tumakbo siya at manalong mayor ng Lipa City, isang katungkulan na kanyang hinawakan sa loob ng tatlong termino. Siya ang kauna-unahang babaeng mayor ng siyudad.

Mula naman 2007 hanggang 2016, nanilbihan si Ate Vi bilang gubernador ng lalawigan ng Batangas.

Nahalal siyang miyembro ng mababang kapulungan ng Kongreso noong 2016.

Ang ibang mga nominado ng 1Sambayan ay sina:

  • Atty. Chel Diokno
  • Senator Grace Poe
  • Vice President Leni Robredo
  • Former Senator Antonio Trillanes IV
  • CIBAC representative and Deputy Speaker Eddie Villanueva

Ayon kay dating Associate Justice Antonio Carpio, convenor ng 1Sambayan, hiniling nina Manila Mayor Isko Moreno at Senator Nancy Binay na hindi na mapabilang sa listahan.

Sa video na ipinalabas sa event ng 1Sambayan, binigyang diin ni Robredo ang kahalagahan ng pagkakaisa ng mga Pilipino.

“Matagal nang frustrated ang Pilipino. At ginagamit ng iba ang frustration na ito para pagwatak-watakin tayo, para idiin ang pagkakaiba natin kaysa sa mga bagay na nagbibigkis sa atin,” ani Robredo.

“Ibig sabihin, nasa bayanihan ang susi ng anumang tugon. Nakikiisa ako sa panawagang magkaisa. Sabay ng pakiusap, hindi pwedeng tayo tayo lang din ang magkakaisa kung hindi tayo lilikha ng espasyo sa puso natin para sa iba,” dagdag pa ng bise presidente.

Para naman kay Trillanes, ang kaligtasan ng bansa ay nakasalalay sa 2022 national elections.

“Ang 2022 elections ay ang pinakaimportanteng yugto sa kasaysayan ng ating demokrasya simula noong 1986. Dito nakasalalay ang survival ng ating bansa. Kaya napakahalaga na manalo ang pro-democracy forces,” wika naman ni Trillanes.

Si Trillanes lamang ang nagpahayag ng kagustuhang tumakbo bilang pangulo pero sinabi niyang iuurong niya ang kanyang kandidatura sakaling magdesisyon si Robredo na lumahok sa karerang pampanguluhan sa 2022.

Sinabi naman ni Villanueva na may pag-asa pa ang bansa kung ang mga mamamayan ay maghahalal ng lider na may integridad at karanasan.

“May malaking pag-asa ang bayang Pilipinas kung tayo’y nagkakaisa at itataguyod natin ang pamumunong nakabatay sa integridad at moralidad, kakayanan at karanasan, wasto at may prinsipyong mamumuuno sa ating inang bayan,” wika niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nilinaw naman ni Poe na wala na siyang plano na muling lumahok sa halalang pampangulo. Kabilang siya sa mga natalo ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016.

Layunin ng 1Sambayan na makabuo ng isa lamang na slate ng mga national candidates na lalaban sa mga kandidato ng administrasyong Duterte.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending