Pagkamatay ni Duterte fake news: Nandito lang ako nagre-relax

Pagkamatay ni Rodrigo Duterte fake news: Nandito lang ako nagre-relax

Ervin Santiago - June 25, 2024 - 12:15 AM

Pagkamatay ni Rodrigo Duterte fake news: Nandito lang ako nagre-relax

Bong Go at Rodrigo Duterte

FAKE news ang kumakalat na balita ngayon sa social media na patay na si former President Pangulong Rodrigo Duterte.

As expected maraming netizens ang naniwala na pumanaw na ang 79-anyos na dating pangulo ng Pilipinas dahil sa isang video na unang kumalat sa TikTok.

Isang TikTok user ang nag-edit ng video ng Kapuso news program na “24 Oras”  kung saan mapapanood ang report tungkol sa pagkamatay daw ni Duterte.

Nang makarating ang pekeng balita kay Sen. Bong Go, isa sa mga taong malapit at pinagkakatiwalaan ni Duterte, agad niya itong pinabulaanan sa pamamagitan ng pagla-live sa Facebook.

Baka Bet Mo: Sharon patuloy na ipaglalaban si Kiko: The best DAD, the best HUSBAND!

In fairness, talagang nagpunta pa ang senador sa bahay ni dating Pangulong Digong sa Davao City para patunayang buhay na buhay pa ang kaibigan.

“Magandang araw po sa inyong lahat. Sa mga nagpapakalat sa TikTok na mayroong masamang balita kay former President Duterte, hindi po yon totoo. He’s alive and kicking at binabati kayo,” simulang pagbabahagi ni Sen. Go sa kanyang FB Live.


Ilang sandals pa ay nagpakita na si Duterte sa harap ng kamera at pinatunayang malakas at buhay pa siya, “Mga kababayan ko, kamusta kayong lahat?

“Ako’y matanda na at hindi natin maiwasan yung balita na, yung nagkasakit. Wala naman akong sakit at feeling ko hindi naman ako mamatay ngayon kaagad.

“Nandito ako sa bahay, nandito si Bong. Ako’y retired na, nandito lang ako nagre-relax,” aniya.

Pagpapatuloy niya, “Matanda na ako. Nagsilbi na ako sa inyo, pinakamatagal, mayor ilang taon, tapos presidente. Wag kayong magtaka kung mamamatay ako.

Baka Bet Mo: Bong Go sa pagtakbong Pangulo: Handa akong magsakripisyo para wala nang maipit

“Mas mabuti pang magtanong, ‘Bakit buhay pa yan, bakit ayaw na magpahinga, e, matanda na?’

“Pero kung sabihin mo, nabalitaan ninyo, may tsismis na mamatay ako, lahat tayo, ikaw, ako, lahat ng kaharap ko sa mundong ito, mamamatay tayo.

“Hindi ako exception. May katandaan na ako, tapos na akong magsilbi sa bayan, o taongbayan. Nilabanan ko lahat lalo na yung krimen. Tapos na ako, retired na ako,” paglilinaw ni Digong.

Nakiusap naman si Sen. Go sa sambayanang Filipino na ipagdasal ang kalusugan at sana’y humaba pa ang buhay ni Duterte, “Huwag po kayong magpapakalat ng mga masamang balita.

“Siyempre may edad na po si dating Pangulong Duterte, kahit papaano may kaunting sakit pero at he’s age he is very healthy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ang commitment ko sa kanya, lalo na sa kanyang medical, hinding-hindi ko po pababayaan ang ating dating pangulong Duterte. Hanggang kamatayan po ang aking commitment sa kanya. Mahal na mahal ko po siya,” mensahe pa ng senador para sa matalik na kaibigan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending