Rodrigo Duterte nakapanumpa na bilang ika-16 pangulo ng Republika ng Pilipinas | Bandera

Rodrigo Duterte nakapanumpa na bilang ika-16 pangulo ng Republika ng Pilipinas

|June 30,2016
facebook
share this

Rodrigo Duterte nakapanumpa na bilang ika-16 pangulo ng Republika ng Pilipinas

- June 30, 2016 - 12:50 PM

NAKAPANUMPA na bilang ika-16 pangulo ng bansa si Rodrigo Duterte Huwebes nang tanghaling tapat.

Siya ay nanumpa kay Supreme Court Associate Justice Bienvenido Reyes sa Rizal Hall ng Malacañang Palace na dinaluhan naman ng may 600 panauhin, kasama na ang kanyang pamilya, kamag-anak at mga kaibigan.

Suot ng bagong pangulo ang Barong Tagalog na gawa sa piña jusi na dinisenyo naman ng Davao-based na fashion designer na si Boni Adaza ng Chardin.

Ang bunso niyang anak na si Veronica, na kilala sa tawag na “Kitty” ang humawak naman ng Bibliya.  Kasama sa entablado habang nanunumpa ay ang mga anak na sina Paolo, Sara at Sebastian.

Present naman sa audience ang live-in partner niyang si Cielito “Honeylet” Avanceña at maging ang dating misis na si Elizabeth Zimmerman.

Bukod sa mga kamag-anak at mga kaibigan, sinaksihan din ang panunumpa ni Duterte ng mga miyembro ng diplomatic corps, incoming Cabinet members at mga mambabatas.

Matapos ang panunumpa, pinangunahan din ni Duterte ang mass oathtaking ng kanyang mga Cabinet members.

Ala-1 ng hapon ay bibigyan naman ang bagong pangulo ng full military honors bago tuluyang pamunuan ang kauna-unahang Cabinet meeting na mangyayari naman alas-2 ng hapon.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending