Jaclyn Jose hindi nakatanggap ng birthday greeting mula kay Andi, may tampuhan nga ba? Bandera

Jaclyn Jose hindi nakatanggap ng birthday greeting mula kay Andi, may tampuhan nga ba?

Reggee Bonoan |November 02,2022
share this

Jaclyn Jose hindi nakatanggap ng birthday greeting mula kay Andi, may tampuhan nga ba?

Reggee Bonoan - November 02, 2022 - 01:01 PM

Jaclyn Jose hindi nakatanggap ng birthday greeting mula kay Andi, may tampuhan nga ba?
MAY tampo kaya si Andi Eigenmann sa inang si Jaclyn Jose dahil hindi nito binati sa kaarawan niya noong Oktubre 21? O baka naman sobrang busy ng mama nina Ellie, Lilo at Koa?

May hugot kasi ang beteranang aktres sa kanyang post sa Instagram account nitong Martes, Oktubre 31 na hindi siya binati ng anak at ng fiancé nitong si Philmar Alipayo.

Pinost kasi ni Jaclyn ang larawan niya kasama ang anak na lalaki na si Gwen Garimond Ilgan Guck na nag-dinner sa nakaraang kaarawan nito at binanggit din ng aktres ang panganay na apo na si Ellie dahil binati siya nito sa pamamagitan ng face time.

Ang caption ng premyadong aktres, “Thank you anak for having my Bday wonderful, and Ellie apo ko for the face time in greeting me. I Love you.”

Sa sumunod na post ni Jaclyn ay pinasalamatan niya ang lahat ng bumati sa kaarawan niya at saka niya ibinuking na dedma si Andin a kukumpleto sana ng araw niya.

Aniya, “Salamat! So much appreciated! Love you all. Sana bumati si Andi para mas complete. Oh well, I am good. Salamat talaga sa effort sobra.”

May post din si Jaclyn na “Bc.” Ang intindi namin ay busy si Andi kaya hindi nakabati.

“Philmar din di bumati. You are the father of my grandchildren. Ok lang, no big deal pero diba?”

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jaclyn Jose (@jaclynjose)

 

Sinilip namin ang IG account ni Andi ay 5 days ago pa ang post niyang video na nasa tabing dagat silang mag-iina para panoorin si Philmar sa The 26th Siargao International Surfing Cup kung saan nanalo ito ng first prize.

Sa madaling salita, nawaglit sa isipan ni Andi ang pagbati kay Jaclyn dahil nga naging abala siya a kanyang husband to be na kasama sa nasabing kumpetisyon.

Si Philmar naman ay nitong isang araw ang post niya na binati niya ang panalo ng Team niya sa na Mens Open Bay’s Inn Surf and Music 2022.”

Going back to Jaclyn ay maraming kilalang personalidad ang bumati sa kanya.

Related Chika:
Jaclyn, Andi kinuyog ng netizens: Sinira n’yo career ni Albie pero never kayong nag-sorry

Jaclyn Jose umaming takot kay Andi: Marami na siyang napatunayan sa akin

Jaclyn Jose gigil na gigil sa ama ng bunsong anak: Are you gonna stop or fight?

Jaclyn Jose nasasaktan na sa pamba-bash ng haters sa INC: Sobra na po, sana wala namang sakitan ng religion

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending