Ashley Rivera: Hindi dapat involved lagi ang dyowa są mga ganap!

Ashley Rivera: Hindi dapat laging involved ang dyowa sa lahat ng ganap!

Ervin Santiago - February 26, 2025 - 07:10 AM

Ashley Rivera: Hindi dapat laging involved ang dyowa sa lahat ng ganap!

Ashley Rivera

NANINIWALA ang sexy actress at content creator na si Ashley Rivera na hindi kailangang magkasama lagi ang mga magdyowa sa lahat ng lakaran.

Sa guesting ni Ashley sa online show ng GMA na “Your Honor”, natanong siya kung dapat bang laging involved ang boyfriend at girlfriend sa mga ganap sa buhay ng isa’t isa?

Ayon sa aktres at social media personality, dapat may boundaries pa rin sa isang relasyon para magkaroon din ng “me time” ang bawat isa.

Sabi pa niya sa mga host ng show na sina Tuesday Vargas at Buboy Villar, “Balance lang talaga (ang kailangan sa isang relasyon).”

Paliwanag niya, “Kunwari, girls’ night out, ang pangit naman (na nandoon din ang boyfriend). Tayo na nga e, together na nga tayo, pero I want to enjoy things on my own.

“Hindi kailangan involved ka sa lahat. Just because you’re my partner, it doesn’t mean kailangan ka involved ka sa lahat,” ang mariing sabi pa ni Ashley.

Baka Bet Mo: Ryan Bang sa dyowa: Ikaw lang ang isang Filipina na napansin ang halaga ko…

Dagdag pa niya, “Because, I’m still my own person. So, kunwari ako I want my ‘me time’, I want to spend time with my family or with my friends. Dapat hindi siya issue.

“Or kunwari siya may boys’ night out. Basta as long as ano tayo may understanding tayo na I trust you, you trust me.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ashley Rivera (@itsashleyrivera)


“Alam mo ‘yung dapat mong gawin at hindi dapat gawin, let’s keep that way.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Para at least you can still be your own person, sige, go! You want to have fun go ahead, kasi alam ko naman na may tiwala tayo sa isa’t isa,” sabi pa ng sexy vlogger.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending