Ryan Bang sa dyowa: Ikaw lang ang isang Filipina na napansin ang halaga ko... | Bandera

Ryan Bang sa dyowa: Ikaw lang ang isang Filipina na napansin ang halaga ko…

Reggee Bonoan |March 14,2021
facebook
share this

Ryan Bang sa dyowa: Ikaw lang ang isang Filipina na napansin ang halaga ko…

Reggee Bonoan - March 14, 2021 - 04:00 PM

NALULUHANG pinasalamatan ni Ryan Bang ang non-showbiz girlfriend niya sa programang “It’s Showtime” nitong Biyernes.

Sa gitna kasi ng hirap na pinagdadaanan niya sa panahon ng COVID-19 lockdown noong nakaraang taon ay hindi siya iniwan nito.

Usapang Mr. at Ms. Right kasi ang naging topic ng “Showtime” hosts na sinumulan ni Tyang Amy Perez at sinundan nga nina Jhong Hilario, Karylle, Jugs Jugueta, Teddy Corpuz at Ryan Bang.

Halos lahat maliban kay Ryan ay masayang nagkuwento na ang mga napangasawa nila ngayon ay nasabi nilang iyon na ang itinalaga sa buhay nila dahil sumakto sa mga hinahanap nila.

“Eto pakinggan natin, hindi natin masyadong naririnig ang kuwento ng pag-ibig nito,” sabi ni Vice Ganda kay Ryan.

“Ako naman sa girlfriend ko, kay Kierstin (Bautista), napakasuwerte kong tao talaga, thank you Lord.  Pinili mo ako talaga na sa dami ng nakapaligid sa ‘yong friend pero ako ‘yung pinili mo.

“Gagawin ko lahat para tama ang desisyon mo na ako ‘yung pinili mo.  Tapos gusto kong magpasalamat kasi dati lagi tayong nagdi-date sa labas, lagi akong nagpapatawa sa ‘yo.

“Pero recently meron din akong pinagdadaanan hindi tayo masyadong kumakain sa labas kasi nagtitipid din ako saka minsan hindi ako nagpapatawa sa ‘yo parehas ka pa rin hindi ka nagbago kaya maraming-maraming salamat. Balang araw talaga babawi ako sa ‘yo lagi, I love you,” pahayag ni Ryan.

“Ay, naiiyak siya,” sambit ni Vice.

“Bakit ka naiiyak Ryan?” tanong ni Kim Chiu.

“Kasi ikaw lang isang Filipina na napansin ang halaga ko kaya thank you so much,” naluhang sabi nito.

At nagpatawa na lang siya para mawala ang pagiging emosyonal niya, “Naiyak ako kasi wala akong make-up. Ha-hahaha.”

“Ang guwapo mo kaya,” sambit naman ni Tyang Amy.

“Okay lang na wala kang make-up, nilalakasan ni direk ang pailaw,” biro naman ni Vice.

Sabi naman ni Kim, “Ako naman nahanap ko na si Mr. Right. Alam n’yo naman ako lagi si Right para sa kanya at never akong naging Wrong lahat ng gusto ko, lagi akong tama.

“Kaya siya talaga si Mr. Right and parang ang sarap sa feeling na meron kang bestfriend at the same time boyfriend, oh! Hi Xi (Xian Lim),” sabi pa ng aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending