Alex Calleja sinabihan ng nanay ng kanyang asawa na mukhang adik

Alex Calleja
HINDI boto kay Alex Calleja ang mga magulang ng asawa niyang si Danah noong nanliligaw pa lang siya dahil mukha raw siyang adik.
Binalikan ng komedyante at direktor ang mga pinagdaanan ng relasyon nila ng kanyang wifey, kabilang na ang pagsisimula ng kanilang love story na mala-teleserye ang peg.
In fairness, mas naging solid pa ngayon ang pagsasama nina Alex at Danah makalipas ang 27 taon ng kanilang married life.
Laugh kami nang laugh sa panayam nina Tuesday Vargas at Buboy Villar kay Alex sa online show nilang “Your Honor” kung saan naichika nga ng seasoned comedian na totoong malaki ang agwat ng estado nila ni Danah sa buhay.
Baka Bet Mo: ‘Hindi dapat sumasali sa isang kaso kung sa tingin niya ay iba ‘yung kanyang opinyon’ — Atty. Ferdinand Topacio
Sey ni Alex, “’Yung asawa ko anak siya ng Heneral! Anak siya ng Heneral ‘di ba mahirap lang kami. ‘Tapos, Assumption siya e.
View this post on Instagram
“Hindi pa ako nag-aaral nu’n, Assumption siya, nagtatrabaho ako sa isang fastfood. Tapos kapag sinusundo ko siya, siya ‘yung may kotse, ihahatid naman niya ako sa bahay,” pag-alala pa ng komedyante at dating writer ng “It’s Showtime.”
Hinding-hibdi raw niya malilimutan ang nakakalokang reaksyon ng nanay ni Danah nang makita siya nitong dumadalaw kay Danah sa bahay nila.
Kuwento ni Alex, “Naglakas-loob ako du’n sa may Navy village, mga opisyal. ‘Yung buhok ko nu’n Kimpy, kasi akala ko bagay sa lahat ‘yung Kimpy.
“Nakita ako nu’ng nanay (ni Danah), sabi nu’ng nanay sa akin mukha raw akong addict. So, pagdalaw ko sabi niya, ‘Yoko na makita yang lalaki na yan mukha siyang addict,’” ang hirit pa ni Alex.
Birong sagot daw ni Alex sa nanay ni Danah, “Grabe naman kayo! Far out, badtrip. Tapos tinapon ko ‘yung syrup parang nainis ako.”
“Ang nangyari naging lihim, naging lihim (yung relasyon). Tapos may nangyari sa amin of course kapag may sex, may nabubuntis.
“Hanggang sa ‘yun ang pangalawang kita nila namamanhikan na kami,” pagbabalik-tanaw ni Alex.
Samantala, gagawa nga ng kasaysayan si Alex Calleja bilang unang Filipino comedian na magkakaroon ng comedy special sa Netflix.
Titled “Tamang Panahon,” mapapanood na ito simula sa February 7, sa naturang streaming service na isang bonggang milestone sa dalawang dekada ng kanyang career.
“Tingin ko ito na ang tamang panahon na lumabas sa Netflix para mas lumawak pa ang reach ng Pinoy stand-up comedy at mas marami pang maka-appreciate ng ganitong art form,” pahayag ni Alex sa presscon ng kanyang 2-part comedy show.
Nang matanong kung paano ang naging atake niya sa “Tamang Panahon”, “Mas gusto kong mag-focus sa mga topics na hindi nangti-trigger o maghahati ng crowd.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.