Jaclyn Jose gigil na gigil sa ama ng bunsong anak: Are you gonna stop or fight? Bandera

Jaclyn Jose gigil na gigil sa ama ng bunsong anak: Are you gonna stop or fight?

Reggee Bonoan |September 02,2022
share this

Jaclyn Jose gigil na gigil sa ama ng bunsong anak: Are you gonna stop or fight?

Reggee Bonoan - September 02, 2022 - 10:12 PM

Jaclyn Jose gigil na gigil sa ama ng bunsong anak: Are you gonna stop or fight?

MATINDI pa rin talaga ang galit ni Jaclyn Jose sa tatay ng bunso niyang si Gwen Garimond Ilagan Guck na si Kenneth Ilagan, gitarista ng bandang The Dawn at Rivermaya.

May pinost ang beteranang aktres sa kanyang Facebook page na napanood nito ang panayam ni Kenneth sa YouTube channel ni Paco Arespacochaga, drummer ng Inrovoys na nakabase na ngayon sa Amerika at hindi niya nagustuhan ang mga pahayag ng ama ng bunso niya.

Hinanap namin ang video at nakalagay na 11 months ago pa itong panayam pero ngayon lang nag-react si Jaclyn.

Base sa post nito, “Saw an interview of this Kenneth kay Paco, natawa ako at nalungkot kasi ang tao na ito? Laugh trip talaga…ayoko na sana mag comment…pero you have done so many wrong.. dapat ‘di ka na mag accept ng interview kasi ayan…pagkatapos ko madami pa dadating.

“I don’t like you! Because of so many things papatulan talaga kita kasi ‘di ka dapat tularan, tumakbo ka na lang ng US at tumahimik. Baka ma-deport ka pa… ‘di ba Ms. Cartago? ‘Wag na ‘yan..gago ‘yan, eh!!! Take it from me, tatay ‘yan ng anak ko e,” saad ni Jaclyn.

Tsinek namin kung sino ang binanggit na Ms. Cartago at siya si Naneth, realtor at sponsor ng podcast ni Paco.

Pinanood namin ang panayam ni Paco kay Kenneth at nabanggit ng huli na matagal na siyang inuungutan ng una na mag-migrate na sa Amerika at madali namang makahanap ng trabaho, pero hindi pa kaagad um-oo dahil nasa Pilipinas nga raw ang pamilya niya na inisip namin ay sina Jacklyn at anak na si Gwen pero hindi pala, ang ina na maysakit.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jaclyn Jose (@jaclynjose)

Ang ate ni Kenneth ang nagpapunta sa kanila sa US kasama ang ina para ipagamot at pagkalipas ng dalawang taon ay namaalam na at hindi na rin bumalik ng bansa ang ex-partner ni Jaclyn at namasukan na roon.

Hanggang sa nakilala niya ang kanyang asawa ngayon na nagngangalang Bianca at may anak silang lalaki na si Jacob na sabi nga ni Paco ay, “this is your second chance as in tatay na tatay rockstar ka, family first.”

Marahil ay dito nag-react si Jaclyn na sa kasalukuyan ay doting father si Kenneth sa anak at ideal husband na rin.

Sa pagpapatuloy ng rant ng veteran actress ay may sinasabi siyang, “Pls stop!” Ayaw mo ng private call? Public na lang. Are you gonna stop or fight! Matatalo ka.”

At dito na sinabi ni Jaclyn ang dahilan kung bakit nagpunta ng US ang ama ng bunsong anak.

Ayon sa post pa niya, “For me ok, tinago ko anak ko sa US at ayaw niya degradation niya ‘yun nakakausap mo ba anak mo? Hindi, pati ako nadamay sa kalokohan mo! I will never forgive you!”

May mga pinost din si Jaclyn na mga dahilan kung bakit umalis talaga sa Pilipinas si Kenneth dahil may kinasangkutang kaso na pati ang anak nitong si Gwen ay ayaw kausapin ang ama.

Nagtanong naman ang aktres na si Sandy Andolong kung anong nangyayari na sinagot ni Jaclyn ng “I need to go away.”

Pupuntahan ng aktres ang anak niya sa US kaya siguro isa ito sa dahilan kung bakit nagpahayag na magre-retiro na siya sa showbiz, pero dahil may dalawang taong kontrata pa siya kaya kailangan niya itong tapusin.

Related Chika:
Jaclyn, Andi kinuyog ng netizens: Sinira n’yo career ni Albie pero never kayong nag-sorry

Jaclyn Jose magreretiro na sa showbiz: Masakit but…

Jaclyn Jose nasasaktan na sa pamba-bash ng haters sa INC: Sobra na po, sana wala namang sakitan ng religion

Jaclyn Jose bumuwelta sa Kapamilya director: Hindi po kami basura!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending