Jaclyn Jose magreretiro na sa showbiz: Masakit but... Bandera

Jaclyn Jose magreretiro na sa showbiz: Masakit but…

Therese Arceo |September 01,2022
share this

Jaclyn Jose magreretiro na sa showbiz: Masakit but…

Therese Arceo - September 01, 2022 - 12:39 PM

Jaclyn Jose magreretiro na sa showbiz: Masakit but...
LABIS na nalungkot ang madlang pipol sa biglaang pag-anunsyo ng batikang aktres na si Jaclyn Jose ng kanyang pagreretiro sa showbiz.

Ang kanyang biglaan retirement announcement ay ibinahagi niya sa kanyang Facevook at Instagram account.

“I am retiring….marami po[ng] salamat…” saad ni Jaclyn sa caption ng kanyang video post.

“Masakit but..I know I have to go…. I just sooooo luv Andi and Gwen most and foremost to have come into this,” dagdag pa niya.

Sa video ay makikita ang pagrampa ni Jaclyn sa red carpet noong nagdaang GMA Thanksgiving Gala at ang kanyang background music ay “Beautiful Girl” ni Jose Mari Chan.

Marami naman sa mga netizens ang nagtaka sa biglaang retirement ng batikang aktres.

“One of the greatest Actress in the Philippines. An honor to be your fan. Me with my family ,saludo po kami sa angkin nyong talento at ganda. Enjoy life to fullest po with your family, Ms.Jacklyn. We always support you. Be healthy, be safe always,” comment ng isang netizen.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jaclyn Jose (@jaclynjose)

Saad naman ng isa, “Sad to hear that from you. A very prestigious, veteran, beautiful actress ng ating bansa maging sa ibng bansa din po kayo. Kung sa bagay tlgang darating sa gnyan pinto na need namn na asikasuhin ang sarili at pamilya. Praying all is well ms Jaclyn Jose.”

“Hala. Bakit naman, Ms. Jaclyn? The industry still needs you. Though, if this would make you happy, I wish you all the best and thank you for your performances,” sey naman ng isa.

Taong 1984 nang magsimula ang kanyang acting career nang ipakilala siya bilang isa sa mga lead star ng “Chicas” ng Baby Pascual Films and Associates.

Ito ang naging launching movie ni Jaclyn kasama ang iba pang mga baguhang aktres na sina Lovely Rivero, Tanya Gomez, Rachel Ann Wolfe, at Karla Kalua.

At mula nga nang ma-launch ay hindi na natigil sa pag-arte ang ina nina Andi at Gwen.

Matatandaang si Jaclyn rin ang kauna-unahang Pilipino na pinagkalooban ng mataas na karangalan sa prestihiyosong fim festival sa buong mundo, ang Cannes Film Festival.

May 2016 nang pagkalooban siya ng parangal para sa kanyang pagganap sa pelikula ni Brillante Mendoza na “Ma’ Rosa”.

Related Chika:
Jaclyn Jose puring-puri si Kylie Padilla: She’s not suplada, sobrang ang sarap niyang maging anak

Jaclyn Jose bumuwelta sa Kapamilya director: Hindi po kami basura!

Jaclyn, Andi kinuyog ng netizens: Sinira n’yo career ni Albie pero never kayong nag-sorry

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending