Jaclyn Jose bumuwelta sa Kapamilya director: Hindi po kami basura! Bandera

Jaclyn Jose bumuwelta sa Kapamilya director: Hindi po kami basura!

Ervin Santiago |July 15,2021
share this

Jaclyn Jose bumuwelta sa Kapamilya director: Hindi po kami basura!

Ervin Santiago - July 15, 2021 - 01:03 PM

PINALAGAN ng award-winning veteran actress na si Jaclyn Jose ang patutsada ng Kapamilya direktor na si Andoy Ranay tungkol sa mga basurang teleserye sa telebisyon.

Walang binanggit na pangalan ang Cannes 2016 best actress pero ang paniwala ng mga nakabasa sa mahabang hugot post niya sa Instagram ay si Andoy Ranay nga ang pinatatamaan nito.

Kung matatandaan, nagkasama ang dalawa sa Kapuso drama series na “Mundo Mo’y Akin” na umere noong 2013 at pinagbidahan nina Alden Richards at Louise delos Reyes.

Ngunit na-bad trip nga si Jaclyn nang mabasa ang naging pahayag ni Direk Andoy noong alalahanin nito ang unang anibersaryo ng pagbasura sa franchise renewal ng ABS-CBN noong July 10.

“Yun naman, so aanhin mo ang franchise kung basura naman ang trabaho, wow! Hahahaha! Grabe! I mean, di ba?

“Parang mas masarap na lang magtrabaho kahit bawas ang suweldo, kahit hindi laging may trabaho, pero alam mo na yung quality ng trabaho yung maibibigay mo sa audience mo ay ‘In the Service of the Filipino,’ we have responsibility to our audience.

“Kaya iyon ang ibibigay natin, hanggang dulo magkakasama tayo,” ang sabi ng direktor sa panayam sa kanya ng “TV Patrol” entertainment reporter na si MJ Felipe.

Sinagot naman ito ni Jaclyn sa pamamagitan ng IG. Nag-post siya ng litrato ng Hollywood actor na si Brad Pitt na may nakasulay na, “I don’t fear the enemy who may attack me, I fear the fake friend who will still hug me.”

Ito naman ang matapang na inilagay niya sa caption, “Ang lungkot lang..mula pagpasok ng crew set up tent? Hanggang sa pagdating ng mga artista at nagkukumahog to be ready?

“Sa set up ng DOP, set designer, huhugot ang mga artista para ready at all times, maayos trabaho, pagod, pero masaya kasi alam namin nakagawa kami ng relevant scene for a day. Pinag-iisipan ng lahat kung ano ba ibibigay per sequence, lahat nagtatrabaho walang hanggang trabaho.

“Lahat ginawa ko, pinagtrabahuan ko? Pinag-isipan ko, kahit ano pagod ginagawa namin makapagbigay ng maganda programa na hindi (BASURA),” pahayag ng premyadong aktres.

Nagkomento naman ang kaibigang aktres ni Jaclyn na si Sandy Andolong at kinumusta siya. Sagot naman ni Jaclyn, “May nagsabi kasi na director na may franchise nga, basura naman.. (I think body of work) wala naman may ibang franchise na halata kundi (GMA) 7.

“Lahat ng nasa production from EP to AP to PA to all the members of production hanggang utility, wardrobe on point.

“Hanggang sa kuwento, artista, director nagpapawis, nagpapakahirap makagawa lang ng napakaganda na panuurin. Pinaghihirapan po namin ang lahat ng lumalabas. Hindi po kami basura,” diin ng aktres na napapanood ngayon sa Kapuso series na “The World Between Us” nina Alden, Jasmine Curtis at Tom Rodriguez.

Maraming kumampi kay Jaclyn sa isyung ito at may mga bumatikos naman kay Andoy Ranay at tinawag pang ingrato at walang utang na loob.

Ipinamukha pa sa kanya ng ilang netizens na matagal din siyang nakinabang sa GMA 7 kaya sana raw ay hindi na lang siya nagsasalita nang kanegahan.

Ilan sa mga idinirek niyang serye sa Kapuso network ay ang “First Time” (2010), “One True Love” (2012), “Mundo Mo’y Akin” (2013), “Ang Dalawang Mrs. Real” (2014), at “More Than Words” (2014).
Bukas ang BANDERA sa magiging paliwanag at sagot ni Direk Andoy sa isyung ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending