Jaclyn Jose puring-puri si Kylie Padilla: She's not suplada, sobrang ang sarap niyang maging anak | Bandera

Jaclyn Jose puring-puri si Kylie Padilla: She’s not suplada, sobrang ang sarap niyang maging anak

Ervin Santiago |May 26,2022
facebook
share this

Jaclyn Jose puring-puri si Kylie Padilla: She’s not suplada, sobrang ang sarap niyang maging anak

Ervin Santiago - May 26, 2022 - 08:09 AM

Jaclyn Jose at Kylie Padilla

INISA-ISA ng award-winning veteran actress na si Jaclyn Jose ang mga magagandang katangiang nagustuhan niya kay Kylie Padilla.

Gaganap na mag-ina sina Jaclyn at Kylie sa upcoming family drama ng GMA 7, ang “Bolera” kung saan makakasama rin ang Kapuso hunks na sina Rayver Cruz at Jak Roberto.

Tatlong beses nang nagkatrabaho ang dalawa sa mga teleserye ng GMA, una sa “Ilustrado” na pinagbidahan ni Alden Richards at pangalawa sa “TODA One I Love” kung saan nakatambal ni Kylie si Ruru Madrid.

Sa naganap na virtual mediacon ng “Bolera” recently natanong si Jaclyn kung may pagbabago ba siyang napansin sa ugali ng anak ni Senator-elect Robin Padilla.

“‘Yung kabaitan naroroon pa rin. Why did I say that? ‘Yung pagsasabi niya ng po at opo ‘di mo na matatanggal sa kanya. Kapag nagsalita nang ganu’n ang isang bata, ang isang anak, ibig sabihin marespeto,” chika ng premyadong aktres.

“Pangalawa, siyempre kapag ganyang mga bata parang si Andi na rin ang tingin ko riyan, parang anak ko na rin na totoo. Walang pinagbago — ugali, mukha, lahat, kagalingan. Focus siya ‘e, focus,” lahad pa niya.

Bukod daw sa sipag at professionalism, gusto rin niya ang pagiging masayahin ni Kylie, “She’s not suplada at all. She’s very jolly. Biro mo kapag walang shoot ‘yan pumapasok ‘yan imbes na magpahinga. This girl is sobrang ang sarap maging anak.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by kylie 🌙 (@kylienicolepadilla)


Todo pasalamat naman ang estranged wife ni Aljur Abrenica sa lahat ng magagandang salita na sinabi ni Jaclyn at nangakong hinding-hindi niya kakalimutan ang magandang samahan ng buong production ng “Bolera.”

Bukod kina Jaclyn, Jak at Rayver, ka-join din sa “Bolera” sina Gardo Versoza, Joey Marquez, Al Tantay, David Remo, Via Veloso, Sue Prado, Ge Villamil at Luri Vincent Nalus.

Tutukan ang magaganap na world premiere ng “Bolera” ngayong May 30, 8: 50 p.m. sa Telebabad block ng GMA 7.

Kylie Padilla inatake ng matinding ‘sepanx’ matapos magpaalam sa lock-in taping ng "Bolera’: I was heartbroken…

Kylie, Jaclyn, Jak, Gardo kanya-kanyang kuwento tungkol sa pambobola, pero si Tsong Joey may swabeng hirit

Rayver Cruz bibili na ng luxury car, aamin na nga ba sa relasyon nila ni Julie Anne San Jose?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending