Vice Ganda inalala ang EDSA People Power: ‘Ang kapangyarihan ay bumalik sa tao!’
KASABAY ng paggunita ng EDSA People Power anniversary nitong Martes, February 25 ay ang pag-alala ni Vice Ganda sa kahalagahan ng araw na ito.
Sa segment ng “It’s Showtime” na “Sexy Babe” ay napag-usapan ang mahalagang pangyayari ng February 25.
“Ang People Power, it is a bloodless revolt. Ito ay pakikipaglaban ng mga Pilipino nang walang dumanak na dugo. Mapayapang pamamaraan ng pakikibaka… napakaraming Pilipino ang pumunta ng EDSA para magkaisa, mapayapang makipag-usap, mapayapang nakiusap lalo na sa kasundaluhan…” saad ni Vice Ganda.
Kasunod nito ay ang pagpapatugtog ng theme song ng People Power na “Magkaisa”.
Baka Bet Mo: Vice Ganda bet magkaroon ng show kasama si Max Collins
View this post on Instagram
“Ang kapangyarihan ay bumalik sa tao. Sa mahabang panahon kasi, ang kapangyarihan ay napunta sa mga pinuno at ang pangkaraniwang tao ay nawalan ng kapangyarihan, pero dahil sa People Power, ang kapangyarihan ay naibalik sa tao, at ang mga tao ang nagdikta kung ano ang gusto nilang mangyari sa bansang ito noong panahong iyon,” pagpapatuloy pa niya.
“Nagkaroon ng kalayaan,” singit naman ng kanyang co-host na si Jhong Hilario.
“Yes! Nagkaroon ng kalayaan, natapos ang diktadurya, ang martial law ‘di ba?”chika pa ni Vice.
“Yes. Nagkaisa, nagkaroon ng kapangyarihan ang bawat Pilipino. Kaya naging democratic country tayo,” dagdag naman ni Kim Chiu.
Sey ni Vice, magandang napag-uusapan ang history lalo na sa panahon ngayon na tila unaware na ang mga kabataan sa kahalagahan ng People Power.
“Yes, maraming salamat… magandang napag-uusapan natin ‘yan lalo na sa mga ganitong panahon, ‘di ba, kasi ‘yong mga bata nga, ano kayang alam nila talaga sa nangyari sa People Power? 1986 ito nangyari. Di ba? Three years old ako no’n.
“Pero ‘pag nakita mo ‘yong mga larawan lang, maaano ‘yong puso mo agad eh, puwede pala ‘yon, ‘di ba? Bloodless revolt. At kahit sa ibang bansa, kung hindi ako nagkakamali naikuwento ito sa akin ng History teacher ko ‘yan, may celebration ng French Revolution hinonor nila ‘yong pangyayari sa Pilipinas doon sa People Power. At si Cory Aquino pinarangalan nila…” sabi pa ni Vice.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.