Angelica Panganiban nangakong ibibigay ang lahat kay Baby Bean: Ako ang magiging pinakamatalik mong kaibigan | Bandera

Angelica Panganiban nangakong ibibigay ang lahat kay Baby Bean: Ako ang magiging pinakamatalik mong kaibigan

Reggee Bonoan |October 21,2022
facebook
share this

Angelica Panganiban nangakong ibibigay ang lahat kay Baby Bean: Ako ang magiging pinakamatalik mong kaibigan

Reggee Bonoan - October 21, 2022 - 10:15 AM

Angelica Panganiban nangakong ibibigay ang lahat kay Baby Bean: Ako ang magiging pinakamatalik mong kaibigan

VIRAL kagabi ang black and white picture na pinost ni Angelica Panganiban habang karga at hinagkan ang anak na si Baby Amila sa kanyang Instagram.

Kaya nag-viral ay dahil maraming naantig sa caption ng aktres na habang sinusulat namin ito ay kulang 200,000 ang nag-like at heart with more than 3,000 comments.

Ang caption ni Angelica para sa anak nila ni Gregg Homan, “Pangakong ibibigay ko sa’yo lahat ng mga hindi ko naramdaman at naipagdamot sakin sa mundong ito at hihigitan ko pa sa kung saang mga bagay na pinalad ako.

“Pangakong hahawakan ko ang kamay mo at hahagurin ko ang likod mo sa tuwing hindi magiging patas ang tadhana sa’yo.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap)

 

“Hindi mo lang ako nanay, ako ang magiging pinaka matalik mong kaibigan na handang mapuyat sa mga kwento mo, na susuporta at tutulak sa’yo patungo sa pagbuo ng mga pangarap mo.

“Hindi ko kakalimutan ang tunog at pakiramdam ng tibok ng puso mo nang sa ganon, matulungan kitang buuin ito kapag pakiramdam mo binigo ka nito.

“Handa akong ibigay ang lahat ng lakas ko, dahil napakaliit na bagay nito para sa pag buo at pag kumpleto mo sakin. Maraming salamat at ginawa mo kong isang ina, anak.”

Ang bagong nanay din na si @loveangelinequinto ang unang nagbigay ng red hearts at loudly crying face emojis. Ang sarap maging nanay, at ang sarap mabasa ito.”

Red heats emojis din ang sabi ni @montesjulia08

At bilang singer ang aktres na si @agotisidro ay nagtanong siya ng, “Kantahan ko na ba?”

Tinawag naman ni @annecurtissmith, “(emoji loudly crying) kambal!!!!!”

White hearts emoji naman mula kay @missizacalzado

Mula naman kay @maxenemagalona ay loudly crying face at heart eyes emojis.

Red hearts emojis naman mula sa TV host/actress na si @mariajolina_ig

Naiyak din si @lizzzuy sa post ni Angelica kaya loudly crying face emojis din ang komento nito.

Red hearts emojis naman mula kay @iamsuperbianca.

Mula sa isang netizen, “Napakaswerte ng pamilya nio sa isa’t isa @iamangelicap…ang swerte ni Bean na ikaw ang nanay n’ya at napakaswerte mo na meron kang isang mala-anghel na anak,napakaswerte mo din kay Gregg na lahat ng pangarap mo ibinibigay n’ya, pangarap na maging isang ina, ikasal at buong pamilya..kaya pala ang tagal sau binigay ni Lord kase tingnan mo naman kung gaano kaganda ng anak mo at kabuti ng mapapangasawa mo, sana patuloy pang i-blessed ni Lord ang pamilya nio. (red hearts emojis).”

Sabi naman ng isa, “Handa akong ibigay lahat ng lakas ko, dahil napakaliit na bagay nito para sa pagbuo at pagkumpleto mo sa akin. ” damang dama ko habang binabasa ko.”

Nagbigay din ng karanasan niya ang isa sa followers ng aktres, “Nung maging nanay din ako, dun ko din narealize na kaya ko pala magmahal ng ganito. Pag tinitignan ko anak ko, lagi ko sinasabi sa kanya during sleep, ‘Wala akong di makakayang gawin para sayo anak.’ Hays mother’s love talaga! Kaya after ko manganak, dun din kami nagkaron ng mas malalim na relasyon ng mama ko. Dun ko siya mas naintindihan, mas hinangaan. Kaso yung mga dating “Nanay lines” niya sakin, ngayon ko mas naiintindihan kasi I experienced it myself. Wooh! God bless you! You are doing great!!! We all are!!”

Related Chika:
Angelica Panganiban umiyak ng 3 oras, Judy Ann Santos to the rescue

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Angelica Panganiban ‘duguan’, ‘sugatan’ bilang first-time mom, mas kinabahan kay Kim Chiu

Angelica Panganiban kinilig sa regalong ‘lactation treats’ ni Jennylyn Mercado

Angelica Panganiban may pa-face reveal ni Baby Bean: ‘Hello world!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending