Toni Gonzaga bagong endorser ng online shopping app; netizens na-bad trip, nagbanta | Bandera

Toni Gonzaga bagong endorser ng online shopping app; netizens na-bad trip, nagbanta

Therese Arceo - September 29, 2022 - 08:39 PM

Toni Gonzaga bagong endorser ng online shopping app; netizens na-bad trip, nagbanta

TRENDING ngayon ang online shopping app na Shopee matapos nilang kunin ang singer-actress na si Toni Gonzaga bilang bagong brand endorser.

Bago pa man ang kanilang pa-reveal ay usap-usapan na sa social media ang tila pagkondena ng maraming netizens na gamitin ang naturang app matapos itong maglabas ng teaser nitong Miyerkules, Setyembre 28 patungkol sa kanilang bagong endorser.

Agad na kasing nahulaan ng mga netizens na ang Multimedia Star na si Toni nga ang bagong mukha ng naturang online shopping app base na rin sa mga larawang kumalat sa social media.

Agad namang nag-react ang mga netizens at nagpahayag ng kanilang disgusto sa naging desisyon ng pamunuan ng Shopee upang kunin ang isa sa mga pinakakontrobersyal na artista ngayon.

“Ewww! Basta, don’t blame us consumers for canceling! Blame Toni for her audacity to accept endorsements knowing the brands associated with her are subject to cancellation! Ghorl, can you just go back to your cave and fade since [emoji] ka na sa election!” comment ng isang netizen.

Saad naman ng isa, “Hoy! Di kami impokrita! Nag sabi naman kami hanggang si Toni ang endorser di kami magsa-shopee so malamang babalik kami pag hindi na siya! Clear naman ang intent namin We just want to make Shopee feel that our opinions should be valid.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Toni Gonzaga-Soriano (@celestinegonzaga)

Sey naman ng writer na si Jerry Gracio, “Nagbawas kayo ng workforce, tas magbabayad kayo ng endorser na fascist apologist? Kung totoo ang tsismis, will delete my app, will contact directly the sellers. Goodbye Shopee!”

Maski nga ang veteran actor na si Jaime Fabregas ay kinondena ang paggamit ng online shopping app.

“I have deleted my Shopee account. Matagal ko nang gustong gawin dahil sa gastos pero ngayon nagkaroon ng más malalim na dahilan,” sabi ng beteranong aktor.

Lahad ng mga netizens, hindi lang naman si Toni ang dahilan ng kanilang pag-cancel sa naturang app kung hindi ang mali sa sistema nito gaya ng pagtanggal ng napakaraming empleyado noon gayong kaya naman daw pala umano nitong magbayad ng endorser gaya ng kapatid ni Alex Gonzaga.

Bukod pa rito ay may mga naging reklamo rin ang mga ito patungkol sa paggamit ng mga vouchers sa app pati na rin ang iba pang concerns nila na hindi raw agad masolusyunan ng online shopping app.

Maski ang ilang sellers ay nag-boycott na rin at sinabing hindi na sila gagamit ng Shopee para sa kanilang mga paninda.

Samantala, masaya naman si Toni bilang pinakabagong endorser ng kontrobersyal na shopping app.

“I feel really blessed… I am also grateful because yesterday we were trending. We are grateful to the netizens for the engagements, mentions, because they are one of the reasons why we are here,” sey ni Toni.

Hanggang ngayon ay parami nang parami ang nagpapahayag ng kanilang pg-uninstall ng naturang app bilang protesta sa online shopping app.

Related Chika:
Jackie Chan, Hyun Bin patalbugan bilang endorser sa Pinas

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Toni Gonzaga P500-M ang talent fee sa TV network ng pamilya Villar; may pasabog na interview kay Bongbong Marcos

Si Marian Rivera ang number one budol ng buhay ko…at love na love niya ako! — Rhea Tan

Toni Gonzaga pumirma na sa AMBS 2: I’m so happy to be part of your family!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending