Toni Gonzaga pumirma na sa AMBS 2: I'm so happy to be part of your family! Bandera

Toni Gonzaga pumirma na sa AMBS 2: I’m so happy to be part of your family!

Therese Arceo |September 02,2022
share this

Toni Gonzaga pumirma na sa AMBS 2: I’m so happy to be part of your family!

Therese Arceo - September 02, 2022 - 03:51 PM

Toni Gonzaga pumirma na sa AMBS 2: I'm so happy to be part of your family!

KUMPIRMADO na nga ang pagiging parte ng tinaguriang Multimedia Star na si Toni Gonzaga sa bagong network na AMBS 2.

Sa kanyang Instagram post ay ibinahagi ng actress-vlogger ang mga larawan na kuha nang pumirma siya ng kontrata sa network na pagmamay-ari ng dating senador na si Manny Villar.

“Thank you for the warm welcome AMBS. I’m so happy to be part of your family!” saad ni Toni.

Dagdag pa niya, “I’m so excited for our partnership and I can’t wait to share with you ALL that we have been working on in the coming days.”

Nangyari ang contract signing ni Toni pati na rin ng kanyang asawa na si Paul Soriano nitong Huwebes ng gabi, Setyembre 1 sa family owned-hotel ng mga Villar sa Las Piñas.

Kasama sa naganap na contract signing ang anak nina Manny at Cynthia Villar na si Manuel Paolo Villar ng Prime Asset Ventures, ang parent company ng AMBS, at si AMBS President Maribeth Tolentino.

“We are happy about the partnership with Ms. Toni Gonzaga and Mr. Paul Soriano. Our team is raring to work with them to give our viewers awesome shows to always look forward to,” lahad ng AMBS President.

Matatandaang si Willie Revillame ang kauna-unahang kilalang personalidad na naging bahagi ng bagong media network ng mga Villar.

Paniniyak naman ni Toni, paniguradong magugulat at masosorpresa ang mga manonood sa kaniyang magiging bagong talk show.

Hinala ng netizens, sina Karla Estrada at Mariel ang makakasama ng isa sa mga kontrobersyal na personalidad sa showbiz.

Matatandaang nagkita-kita kamakailan ang tatlo base sa Instagram post ni Mariel Padilla, isang araw bago pa man ang pagpirma ni Toni ng kontrata sa AMBS.

Related Chika:
Willie nabiktima uli ng fake news: Kahit anong sabihin n’yo sa akin, masama, walanghiya, wala sa akin ‘yan!

Willie Revillame sobrang busy, tutok na tutok sa AMBS2

Toni Gonzaga may nakaabang na dalawang proyekto sa AMBS, ani Cristy Fermin: Kapag may nawala, may papalit!

Toni, Mariel, Karla nagkita-kita, magkaka-talk show nga ba sa AMBS?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending