Toni, Mariel, Karla nagkita-kita, magkaka-talk show nga ba sa AMBS? | Bandera

Toni, Mariel, Karla nagkita-kita, magkaka-talk show nga ba sa AMBS?

Therese Arceo |August 31,2022
facebook
share this

Toni, Mariel, Karla nagkita-kita, magkaka-talk show nga ba sa AMBS?

Therese Arceo - August 31, 2022 - 10:22 PM

Toni, Mariel, Karla may 'ladies night', magkaka-talk show nga ba sa AMBS?
USAP-USAPAN ngayon sa social media ang pagkikita nina Toni Gonzaga, Mariel Padilla, at Karla Estrada.

Nagkaroon ng dinner date ang tatlo na ibinahagi ni Mariel sa kanyang Instagram account nitong Martes, Agosto 30.

“Thaaaaaank you soo much for a wonderful evening @celestinegonzaga and @karlaestrada1121,” sey ni Mariel sa kanyang caption.

Ibinahagi naman ni Toni ang larawan sa kanyang Instagram story na may caption na “Ladies night”.

Matapos makitang magkakasama ang tatlo ay hindi maiwasan ng mga netizens na mag-hinala na baka magsama-sama ang tatlo sa isang proyekto.

May ilan na nagsasabing mukhang magkakaroon ng morning talk show sina Toni, Mariel, at Karla sa bagong network na pagmamay-ari ng mga Villar na Advanced Media Broadcasting System.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by mariel padilla (@marieltpadilla)

Ang may-ari ng AMBS ay ang dating senador na si Manny Villar, ama ni Mark Villar na kaibigan ng naman ng asawa ni Toni na si Paul Soriano.

“AMBS morning talk show,” comment ng isang netizen.

Saad naman ng isa, “Sana magkakasama kayong tatlo sa iisang show.”

Hirit pa ng isa, “Is that KaToMa (Karla, Toni, Mariel) in the new channel 2? Mukhang magandang talk show to.”

May mga chika rin na may posibilidad na baka magkatapat ang “Magandang Buhay” na dating morning show ni Karla sa bago nitong proyektong gagawin.

Marami ang mga bulung-bulungan pero wala pa rin namang kumpirmasyon kung totoo nga ba ang mga kumakalat na chika.

Samantala, may netizen naman na nagtanong kina Toni at Mariel kung bakit si Karla na ang kasa-kasama nila gayong nakilala sila kasama si Bianca Gonzalez bilang “Kuya’s Angel” noong parte pa sila ng “Pinoy Big Brother”.

Maging sa komento ng netizen patungkol kay Bianca ay wala pang pahayag sina Toni at Mariel.

Mukha namang kaabang-abang para sa madlang pipol kung sakali ngang true ang chika ng pagsasanib pwersa sa isang talk show dahil lahat naman sila ay may experience na sa hosting at napagkalooban na noon ng mga sari-sariling TV shows.

Related Chika:
Karla Estrada umalma sa post ng netizen, ipinagtanggol si VP Leni

Toni suportado nina Mariel at Bianca sa gitna ng kanegahan sa politika: Welcome to the outside world!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Willie Revillame sobrang busy, tutok na tutok sa AMBS2

Toni Gonzaga tuluyan nang nagbabu sa PBB: This is your angel, signing off…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending