Markus Paterson mas bet ang morena, may hugot sa 'TOTGA' Bandera

Markus Paterson mas bet ang morena, may hugot sa ‘TOTGA’

Therese Arceo |September 15,2022
share this

Markus Paterson mas bet ang morena, may hugot sa ‘TOTGA’

Therese Arceo - September 15, 2022 - 04:05 PM

Markus Paterson mas bet ang morena, may hugot sa 'TOTGA'
MARAMI pang naging rebelasyon ang aktor na si Markus Paterson patungkol sa kanyang mga naging experiences sa buhay at pag-ibig.

Sa second episode ng “Boys After Dark” kung saan kasama niya sina Jae Miranda, Anthony Jennings, Aljon Mendoza, at Gello Marquez ay pinag-usapan nila ang kanilang mga “first” experiences at ang kanilang paraan kung paano mag-move on.

Dito ay naikuwento ni Markus na una niyang nakilala ang kanyang first love noong high school siya at ito rin ang kanyang first girlfriend.

Aniya, three years daw silang mag-on pero nag-break sila nang pumunta siya ng Pilipinas dahil di daw niya kaya ang long distance relationship.

“Lumipat ako dito. Di ko kaya ang long distance. Pagbalik ko may bago na, pero carry lang kasi noong pagbalik ko, mas guwapo rin ako, eh. May bago rin ako,” saad ni Markus.

Nang matanong naman siya kung ano ang mas prefer niyang babae, kung British raw ba o Filipina, sinabi nitong mas trip niya ang mga morena girls.

“Para sa akin kasi, ang trip ko, ‘yung type ko kasi morena na island girl. ‘Yung British ko kasi na ex (had) blonde hair (and) blue eyes. Pero she’s Greek, so tan siya,” kuwento ni Markus.

Pag-amin pa niya, ang kanyang first girlfriend rin ang naka-devirginize sa kanya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Markus Paterson (@markus)

Chika niya, lumaki siya sa ibang kultura lalo na’t ipinanganak siya sa bansa kung saan liberated ang tao.

“The thing is iba kasi ang kultura ko, galing ako sa UK that’s where I am born and raised. And there in UK, one of the most common things between friends from different sexes, men and women, ang pinaka-common [is] friends with benefits,” lahad ni Markus.

Isa rin sa mga napag-usapan ng mga RISE artists ay ang kanilang mga TOTGA o The One That Got Away.

Sagot ni Markus, wala daw siyang naging TOTGA.

“I will say this with full confidence, unang-una ang the one that got away, sa mga nanonood… is uttermost bullsh*t.

“At the end of the day, if she got away then she wasn’t the one. If she was the f*cking one, you would have fought to the ends of your f*cking capability to keep her in your life. There’s no ‘one’ for everyone. That’s bullshit,” sey ni Markus.

Dagdag pa niya, “If you want to find happiness in life, you have to experience different relationships, different people, different ways of life, different cultures to find out what you really want in life. It’s that f*cking simple.”

Related Chika:
Markus Paterson ‘almost a year’ nang hiwalay kay Janella: Our only priority is Jude

Joshua Garcia, Markus Paterson bagong ‘love team’…at may kinilig?

Markus Paterson ‘bugbog’ sa netizens matapos mag-dialogue ng, ‘Never to fu*king date someone in the industry!’

Janella, Markus madalas daw mag-away noong magka-live in pa, naririnig mismo ng mga kapitbahay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending