Joshua Garcia, Markus Paterson bagong 'love team'...at may kinilig? | Bandera

Joshua Garcia, Markus Paterson bagong ‘love team’…at may kinilig?

Therese Arceo |January 27,2022
facebook
share this

Joshua Garcia, Markus Paterson bagong ‘love team’…at may kinilig?

Therese Arceo - January 27, 2022 - 07:57 PM

Joshua Garcia, Markus Paterson bagong 'love team'...at may kinilig?

SINA Joshua at Markus na nga ba ang bagong love team sa Kapamilya teleserye na “Viral Scandal”?

Viral kasi ngayon ang in-upload ni Markus na photos mula sa kanilang taping kung saan nagkaroon ng komprontasyon ang kanilang mga karakter sa nasabing teleserye.

“Swipe to see kung anong ibig sabihin ng ‘Shall We?’” caption ng aktor.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Markus Paterson (@markus)

At doon nga ay makikita ang sweet sweetan moment nila ni Joshua kung saan hawak nila ang pisngi ng isa’t isa.

Sa pangalawang photo ay makikitang nagtatawanan ang dalawa kasama si Jameson dahil sa naisip nilang kalokohan.

Mapapansin rin ang mga ginamit na hashtags ni Markus gaya ng “#SorryRica”, na karakter ng ka-love team ni Joshua sa “Viral Scandal” na si Charlie Dizon pati na rin ang “#NewGuyWhoDis”.

Nag-comment naman si Joshua sa kanyang post ng laughing emoji.

Maski ang ilan pa nilang mga kaibigan sa industriya ay tila naaliw sa kalokohan ng dalawa.

“Kinikilig ata si Jameson,” comment ni Kyle Echarri na sinang-ayunan naman ng aktor at nag-comment rin ng “you knew it”.

Tawang-tawa naman si Vance Larena sa kanyang comment na, “Hahahahahahahahahaha”.

May mga netizens rin na nakapansin ng koneksyon ng tatlo sa larawan sa aktres na si Janella Salvador.

“‘Yung mga ex love team ni Jea at ‘yung love of her life lahat nandyan,” saad ng netizen.

Nagkasama na kasi sina Jameson at Janella sa pelikulang “So Connected” habang nagkatrabaho naman ng aktres sa teleseryeng “The Killer Bride” si Joshua.

Si Markus naman ang kasalukuyang boyfriend at tatay ng anak ni Janella na si Jude.

Ngayon nga’y trending si Joshua matapos ang pambubuko sa kanya ng kaibigang si Daniel ukol sa pagkakaroon niya ng crudh kay Janella.

Amin naman ng dyowa ni Markus, matagal na niyang alam na may gusto sa kanya ang binata.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Magiging masaya rin si Joshua. Deserve niya,” sey ni Janella.

Related Chika:
Markus walang paki sa mga ‘negatron’ sa socmed; proud na proud kay Baby Jude
Joshua malaki ang utang na loob sa KathNiel: Sobrang swerte ko na naging kaibigan ko sila

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending