Markus dedma muna sa babae; game na game makipaghalikan sa kapwa lalaki
WALA pang balak ang Kapamilya actor na si Markus Paterson na magkadyowa uli kahit matagal-tagal na rin silang hiwalay ni Janella Salvador.
Mas gusto munang magtrabaho nang magtrabaho ni Markus at patuloy na maging hands-on daddy at responsableng tatay sa anak nila ni Janella na si Jude.
Nakachikahan ng ilang members ng showbiz press ang aktor, kabilang na ang BANDERA, sa mediacon ng bago niyang project, ang digital series na “Pretty Boys” na mapapanood sa Vivamax Plus.
Baka Bet Mo: Markus Paterson nakatikim ng talak kay Cristy Fermin: Madaldal kang masyado
Diretsahan siyang natanong kung ready na ba siyang magmahal uli, “Hindi na muna. Focus muna ako kay Jude.”
Tungkol naman sa mga naging pagbabago sa kanyang buhay mula nang maging daddy siya, “Ang daming nagbago sa akin ever since I became a dad. He’s turning four this year so it’s weird, time flies.
View this post on Instagram
“Alam naman natin, the main goal is longevity, so the best way to do it just take it as it comes.
“Kapag may mga problema, just cross that bridge when you get to it. Just live the moment, be present. Don’t worry about the future, ikaw ang mahihirapan,” paliwanag niya.
Samantala, walang isyu kay Markus ang pagganap na bading sa teleserye o pelikula, tulad ng role niya sa “Pretty Boys” kung saan nagkaroon pa siya ng kissing scene sa kapwa lalaki.
Baka Bet Mo: Markus Paterson ‘almost a year’ nang hiwalay kay Janella: Our only priority is Jude
“I’d like to think of myself as an actor and I don’t like to turn down roles. You can’t grow as an actor if you don’t challenge yourself, if you don’t push yourself to think outside the box.
View this post on Instagram
“Ayoko lang ma-trap, ma-typecast or whatever. Lahat ng roles, I accept. And this was a really fun role, a great script, a great director, great actors. Sobrang nag-enjoy ako!” aniya pa.
Samantala, panoorin ang hindi pangkaraniwang aspeto ng pag-ibig sa “Pretty Boys”, ang unang episode sa “Open Secret” anthology ng The IdeaFirst Company kung saan tampok ang mga kakaiba at nakaiintrigang queer stories. Makakasama ni Markus dito sina Tommy Alejandrino at Kiel Aguilar.
Sisimulan ang “Open Secret” series sa “Pretty Boys” mula sa direksyon ni Ivan Payawal. Ito ay kuwento ng tatlong gwapong binata na maiipit sa love triangle matapos malaman ng isa na ang greatest love niya ay may gusto na ngayon sa best friend niya.
Kilalanin si Grey, isang gay man na may makulay at loud na personality, isang “twink” kung tawagin ng iba. Siya ay hopeless romantic at self-proclaimed love expert kahit hindi naman ganoon karami ang experience pagdating sa pag-ibig.
Isang beses pa lang siyang nai-in love, kay Yates, isang straight-acting gay man na ngayon ay nakabase na sa United States. Best friend naman ni Grey si Jonas, gay katulad ni Grey pero magkaibang-magkaiba sila ng ugali at mas gusto rin nito ang pagkakaroon ng masculine appeal.
Magugulo ang mundo nila nang bumalik si Yates. Bago pa tuluyang umasa si Grey na magkakaroon pa ng second chance ang pag-iibigan nila ay mauudlot ito agad nang umamin si Yates sa nararamdaman nito para kay Jonas. Hinihingi rin nito na tulungan siya ni Grey na makadiskarte at mapasagot si Jonas.
View this post on Instagram
Isa itong pag-amin at paghingi ng pabor na parang sumaksak sa puso ni Grey sa sobrang sakit nang marinig ito. Pumayag kaya siya sa hinihiling ng dating kasintahan? O gagawa siya ng plano para baguhin ang isip ni Yates at muli siyang balikan nito?
Isang komplikado at one-of-a-kind love story na magpapakita na ang pag-ibig ay hindi mapangmata at laging handang tumanggap kahit ano ka pa.
Ma-hook sa romantic comedy na ito na pagbibidahan ng mga rising actors na sina Tommy Alejandrino, Markus Paterson, at Kiel Aguilar. Available na ito sa Vivamax Plus, ang hottest transactional video on demand/TVOD/pay/premium VOD ng Vivamax platform.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.